Chapter 4

353 5 0
                                    

It's a wonderful day for her dahil gumising siyang maganda at parang diyosa. Kidding aside, she just felt like today will be a great day to her and she believed on that. May tiwala siya sa instinct niya kaya naisipan niyang magdress sa araw na iyon.

Hindi naman sa first time niyang magsuot ng dress sa university pero nag-exert talaga siya ng extra effort sa pagpili ng susuotin at yun nga ay isang above the knee dress na kulay asul na may minimal lang na design at pinaresan niya ng kanyang Jimmy Choo black strappy sandals.

Kadalasan kasi mga ten minutes ang ginugugol niya bago makahanap ng pang'ootd pero ngayon halos dumoble iyon sa tagal ng pag-inspeksyon niya sa kanyang walk-in closet. She really chose the dress that would emphasize her milky skin and her overall physique. Sigurado siyang mas puputi pa siya lalo sa napiling damit dahil dark color ito.

She put on a light makeup and just ponytailed her hair then sprayed her favorite perfume of Clive Christian which was No. 1. The scent of it smells like your a queen although it's an expensive one but the fragrant will definitely stay with you and in your clothes even being exposed with sunlight.

Yun ang isa sa maganda sa pabango na 'to worth it siya kung baga tsaka kahit konting wisik lang ay humahalimuyak na sa paligid ang bango nito at hindi pa masakit sa ilong.

Bago paman siya malate sa pag-aayos ng sarili ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba bitbit ang isang Chanel bag para mag-agahan. Nadatnan niya naman ang mga magulang na naroroon na sa kanilang dining area.

"Good morning, mom and dad." Bati niya sa mga ito

Lumingon ang mommy niya at may ngiti sa labi siya nitong tinugon.

"Good morning, sweetheart. How's your sleep? Did you had a good one?" Usisa ng kanyang ina

Umupo muna siya sa pwesto pagkatapos niyang halikan ang dalawa sa pisngi.

"Yes, mom. I slept well. How about you? Kayo ni dad?

Tumango naman ang daddy niya waring nagsasabi na maayos din ang naging tulog nito.

"Maayos din, sweetheart. Anyway, let's eat baka mahuli ka pa sa klase mo." Sagot ng ina sa kanya

Hindi na siya kumontra pa at nag-umpisa ng kumuha ng pagkain.

It's already 7:30 and her class will start at 8:30 that means she only have 1 hour before getting late.

Tahimik lang silang nag-agahan at panaka'naka lang na nag-uusap. Siguro dahil nagmamadali rin ang mga magulang gaya niya dahil may mga trabaho pa itong aasikasuhin at pupuntahan kaya wala masyadong kwentong naganap. Gayunpaman, naging maganda pa rin ang breakfast nila dahil magkasama silang magpamilya kahit na wala ang ate niya dahil kasalukuyan itong nasa abroad at doon nakabase.

"I'll go ahead mom, dad. Ingat po kayo. I love you both." Paalam niya

"We love you also. Ingat sa pagmamaneho. Susunod din kami ng daddy mo dahil may meeting pa siyang aattendnan."

"Sige po, my. See you later!"

"See ya! Ingat!" Kumaway lang siya dito at pinasibad na ang kotse

Walking with a head held high, she entered the university with full of confidence and class. Many of the students turn their heads with her presence and she didn't mind them at all. Sanay na siya sa ganoong atensyon na nakukuha.

THE HOTTIE SERIES 3: FaveroWhere stories live. Discover now