Hindi mawala sa labi niya ang masayang ngiti habang inaalala ang naganap kani-kanina lang. It feels surreal. Minsan talaga masarap ang mga hindi inaasahang bagay katulad kanina noong tinanong siya nito bigla na nakapagpakabog ng puso niya dahil sa sobrang tuwa. It was indeed unexpected but magical.
Mas okay pala talaga kung hindi ka handa dahil iba yung nagiging resulta mas maganda at memorable. Mas espesyal. Mas tatatak. Mas malakas ang impact. Though nakakakilig din naman kapag pinaghandaan at binuhusan talaga ng oras para maisagawa dahil ibig sabihin nun gusto ng tao na makita mo kung gaano ka kahalaga para sa kanya at gagawin niya lahat mapasagot ka lang kahit pa gumastos siya at mapagod. Iba din kasi kapag ganoon. Nonetheless, both situations are sweet and impressive in their own way. Kahit alin sa dalawa ay makakabigay ng saya sapagkat iyong tao na mahal mo ang may gawa.
It is always the person behind all the efforts showed. Kasi kung hindi naman iyong taong mahalaga sa'yo ang may pakana wala rin. Walang dating.
She gave Vinn a sideway glance.
Ang gwapo talaga..
"Baka matunaw ako, love." He teases her but she didn't react
Dati pangarap niya lang maging jowa ito tapos ngayon heto at nobyo na niya. Iba din gumalaw ang mga bituin.
"You're just my dream before but now you're already my reality. Ang lakas ko siguro kay Lord dahil dininig niya panalangin ko." Wala sa sarili niyang sabi habang nakatitig pa rin rito
Nakita niyang kumurba ang labi nito.
"Really?"
She unconsciously nodded without a blink.
"Yeah.. Super crush kita noon." Pag-amin niya sa dating nararamdaman
Nilingon siya nito saglit habang nakataas ang isang kilay.
"Noon lang?"
"Oo, kasi ngayon.. mahal na kita." Aniya sa mahinang boses
"Come again? I didn't hear it clearly." Wika nito pero may kaakibat na pigil na ngiti sa labi
Walang paligoy-ligoy at diretso niyang inulit ang sinabi.
"Hindi na kita crush kasi... mahal na kita. Mahal kita."
Napasinghap siya dahil malakas nitong pinalo ang manibela.
"Are you mad?"
Mabilis itong umiling.
"Eh, baki--"
"You're making my heart leaps uncontrollably, Veliz." Sagot nito na hindi niya naintindihan kaagad
Ano daw sabi??
Confusion is written all over her face which made Vinn laugh a little.
Ano ba kasi 'yon?
Lumapat ang kamay nito sa kanyang pisngi at siya'y magaan na kinurot.
"Ang sama mo!" She scowled
"Sorry, love. Can't help myself 'cause you're irresistible." Anito na ikinairap niya pero may kilig na nadarama sa loob-loob
Sunggaban ko 'to eh!!
"Wag kanang magpaliwanag, sabihin mo na lang kung ano iyon."
Tinignan naman siya nito diretso sa mga mata habang nagsasalita.
"Right.. Well, just wanna say that my heart did an irregular movement due to your words."
Nang makuha ang sinabi nito ay napangisi siya.
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."