Chapter 13

345 4 6
                                    

Simula nang umamin sa kanya ang binata ay araw-araw na itong nagpapadala ng kung anu-anong klase ng mamahaling bulaklak. Syempre siya namang nakatanggap sobra ang kilig na nararamdaman.

She didn't imagine things would turned out like this, her being courted by her longtime crush na isang dakilang masungit is something that's hard to grasp. Simply because she's the one being vocal about her feelings and not the other way around but look what happened, it's him who make a move and try to win her heart. Biglang nag-iba ang takbo ng mga pangyayari. May parte pa rin sa kanya ang tila nananaginip lang pero sa tuwing nakikita niya ang ginagawa ni Vinn ay napapagtanto niyang totoo ito at hindi lamang gawa'gawa ng kanyang isipan. This is the reality. This is the truth.

Noong una akala niya'y siya ang manliligaw dito dahil nakikita niyang wala itong amor sa kanya pero meron naman pala, magaling lang itong magtago.

Naisip pa niyang hindi siya ang tipong babae nito dahil tumira ito sa ibang bansa nang matagal na panahon tapos liberated pa ang mga babae dun, magaganda, mapuputi, blonde at sexy. Dagdag mo pang may mga experience na ang iilan tapos siya wala pa. Saka malay ba niyang may naging girlfriend ito doon at may basehan ito sa pagpili ng babae. Ah basta, kung hindi ito magkakagusto sa kanya gagawa pa rin naman siya ng paraan para mahalina ito sa kanyang taglay na karisma.

Syempre magsisikap siya para mabihag niya ang puso ng isang Favero, may mga nakalatag na nga siyang plano from A to Z pero mukhang hindi na niya iyon magagamit ngayon dahil nililigawan na siya nito.

Turns of table nga naman kampi sa kanya ang tadhana. Naks. Ang lakas niya sa part na 'yon.

Anyway, she's currently waiting for Vinn ihahatid kasi siya nito sa SU ngayon. Her handsome suitor insisted to pick her up and since she's an obedient kind of woman, she agreed without hesitation.

Magpapakipot paba siya? Syempre hindi na no, sayang ang pagkakataon kung pakakawalan niya lang. Ngayon lang siya nito ihahatid kundi pa ito naging manliligaw niya wala pang hatid-sundo na mangyayari. Buti nalang at nagkagusto din ito sa kanya kung hindi pa baka siya ang mahirapan.

Isang malaking 'Thank you, Lord' talaga. Konti nalang at masasabi na din niya ang linyang, kababata ko lang noon boyfriend ko na ngayon.

Natigil lang siya ng lapitan ng isang kasambahay nila at sabihan na nasa labas na ang kanyang sundo. Nagpasalamat siya rito saka mabilis na tinungo ang labas ng kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanyang Prince Charming.

Bumungad sa kanyang paglabas ang gwapong tanawin na nakatayo malapit sa kotseng dala nito habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon na suot.

"Good morning." Swabeng bati nito sa kanya

Binigyan niya ito ng isang magandang ngiti saka binati pabalik.

"Good morning. Sorry kung naabala kita sana hindi mo nalang ako sinundo baka may ibang lakad ka pa. Nakakahiya naman." Aniya sa binata

Kunot ang noo siya nitong tinignan wari di nagustuhan ang kanyang sinabi.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng sasakyan habang tahimik na umikot  sa driver's seat pagkatapos.

Nang pareho na silang nasa loob ng kotse ay bigla itong lumapit sa kanya dahilan upang mapasinghap siya ng wala sa oras.

"W-what are you d-doing?" Nauutal niyang tanong sa lalaki

Tumaas lang ang gilid ng labi nito saka mas lumapit pa sa kanya. Di niya alam kung ano ang gagawin, konting galaw lang niya ay magtatama na ang kanilang mga labi.

Oo, ganun kalapit. Juskoo naman talaga. Aatakehin siya sa puso sa pagiging mabilis nito.

'Ilayo niyo po ako sa tukso, Panginoon.' Piping dasal niya

THE HOTTIE SERIES 3: FaveroWhere stories live. Discover now