Habang nasa gitna ng daan ay kumakain silang dalawa. Hindi naman kasi pwedeng siya lang ang magpapakasaya sa pagkain kaya bilang isang mabuting dalaga ay sinusubuan niya ang binata. Sa tuwing lumalapat ang daliri niya sa bibig nito ay tila may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan.
Minsan talaga kahit ang mga bagay na hindi naman dapat ginagawang big deal ay naiisipan niya ng malisya. Para tuloy ang landi'landi niya which is slightly true. Yes, aminado siya dun.
"You want water?" Tanong niya rito matapos isubo ang natitirang parte ng burger
"Yes, please."
Binuksan niya ang kinuhang bottled water sa isang paperbag at nilapit iyon sa bibig ni Vinn.
"Thank you." Tinapunan siya nito saglit ng tingin nang sinabi iyon
Ngumiti siya at tumango.
"You're welcome."
Matapos nun ay nagmuni-muni na lang siya habang nakikinig pa rin ng kanta ngunit makalipas ang ilang minuto ay gusto niyang may pagkaabalahan kaya nang makaisip ng kung ano ay nilingon niya ang binata.
"Can we do something fun?" Nakangising tanong niya
Vinn arched his eyebrow, waiting for her next words.
She cheekily smiled.
"Let's have a Q&A to know each other deeply. I'll go first!" Hindi na niya hinintay pang makasagot ito at nauna nang magbato ng katanungan
"How many girlfriends do you have before?" Walang pakundangan niyang sabi
She badly wants to ask him questions but she didn't have the courage not until this day.
"Do you really want to know that?" Seryosong hamon sa kanya nito
She gulped and nodded afterwards. It is now or never. Bahala na.
"Yes." Buong kompyansa niyang tugon
Tumikhim ang binata.
"Baka hindi mo kayanin."
Napaawang ang kanyang labi.
"Ganoon ka dami? Grabe ka. Ang landi mo pala." Hindi makapaniwala niyang komento
"I didn't say anything yet. You're easy to judge. That's not good." Tila nagtatampo nitong wika sa kanya
She bit her lower lip, guilty of what she did.
"I'm sorry. Ikaw kasi eh, yung sinabi mo." Rason niya
Vinn shook his head.
"I was just teasing you."
"And why is that?"
Umiling ang lalaki at hindi na umimik.
Padabog naman na pinagkrus ni Vea ang dalawang braso sa kanyang dibdib.
"Ang panget mo ka-bonding, Favero!" Inirapan pa niya ito para ipakitang naiinis siya
The guy just shrugged and focused his attention on the road.
Hindi niya natiis na hindi alamin kung ilan nga ba ang nakarelasyon nito dati kaya kahit may inis ay tinanong niya ito ulit.
Masokista ka, Vea Ameithyst. Saad ng isang boses sa loob ng kanyang utak.
"So, ano nga? Ilan?" Pabalang niyang usal
"Hulaan mo,"
Bakit ba ayaw nitong sagutin ng diretso? Pinapatagal pa, hindi nalang sabihin agad. Tsk.
"Umayos ka, Vinn lewis! Sinasabi ko sa'yo."
Tumawa ito at pinisil ang kanyang nakalantad na hita.
Para namang nawala saglit ang inis niya at napalitan ng ibang emosyon dahil sa ginawa nito. Bakit may pa ganun? Tama pala desisyon niya na magshort at shirt. Easy access. Err.
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."