That woman! Hindi talaga marunong magpatalo sa kanya. Tsk. Naiinis man siya rito pero mas nainis siya sa sarili ng maturn on sa pagrolyo ng mga mata nito kanina. Damn! Ba't ba apektado siya? May kung ano kasi siyang naramdaman ng ginawa iyon ng dalaga sa kanya. Hindi niya maintindihan.
Nagawa niya pang magsinungaling rito patungkol dun sa pagrolyo ng mga mata. Really, Vinn?? May nalalaman ka pang, 'It doesn't suits you' diyan. Talaga ba? E, kung aminin mo nalang kaya na lahat ng kilos nito ay nagagandahan ka? Kunwari pa 'to.
"Wala akong gusto dun." Giit niya
Wow! May sinabi ba akong gusto mo siya? Wala naman ah. Masyadong napaghahalataan, e. Sagot ng utak niya.
Ginulo niya ang buhok dahil dun.
Aaminin niyang malaki na ang pinagbago ng dalaga. Mas naging maganda ito. Aminado naman siya dun.
Idagdag mo na din ang pagiging hot at sexy nito. Bulong ng utak sa kanya
Napahinga siya ng malalim.
Oo na, oo na. Maganda ang hubog ng katawan nito. Di gaya dati na payat ito masyado at parang hindi kumakain.
Sino ba naman ang hindi magkaroon ng pagbabago kung matagal na panahon ang lumipas bago sila muling nagkita dalawa. Syempre, sa mga taong nagdaan may mga bagay talaga na nagbabago at hindi iyon napipigilan.
Pero yung nararamdaman mo para sa kababata e andun pa rin, diba? Hindi man lang nagbago. Giit ng utak niya
Napapailing siya. Bakit ang kulit ng utak niya? Daming alam.
Nasiraan na ng bait. Tsk tsk.
Imbis na iwaglit sa isipan si Vea ay naalala niya pa ang hindi pag-angat nito ng tingin nung dumating siya para sa dinner. Parang pinapahiwatig nito na wala siyang halaga rito dahil hindi man lang nito napansin ang presensya niya. Wala lang ba siya para sa dalaga?
Sa isiping iyon ay umigting ang panga niya. Kahit likod lang nito ang nakikita ay alam niya na ang dalaga iyon pero dito wala man lang tingin siyang natanggap? Kung hindi pa siya ang nag-initiate ng usapan nila kanina hindi pa nito ibibigay ang atensyon sa kanya.
Na tinapos mo rin naman kaagad. Wika ng makulit niyang utak.
Paano ba naman wala siyang alam na iba pang pwedeng itanong dito saka baka akalain pa nito curious siya.
"Bakit, hindi ba? We are talking about Vea here your childhood friend, Vinn."
Baka more than childhood friend?
Inis niyang sinipa ang paanan ng kama. Tatlong oras na ang nakalipas mula ng naging dinner nila ng pamilya kasama ang mga Veliz pero yung isip niya andun pa rin. Particularly, kay Vea.
Siya ang tipo ng tao na tahimik lang at malimit kung magsalita pero pagdating dito hindi niya mapigilan ang sariling kausapin ito o magbukas ng usapan kahit pa nga nauuwi lang din naman sa pang-aasar niya rito.
Ito lang ang pinagsasalita siya na walang pilitang nangyayari dahil kusang bumubuka ang bibig niya rito. It looks like she was exempted of his silence.
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."