Tapos na siyang magpaenroll kahapon kaya vacation time na!! Nilolook forward niya talaga ito dahil wala siyang kailangang isipin na mga quizzes, exams at surprise oral recitations. She's free from all of that for two weeks. Dapat maspend niya talaga ng tama ang bawat araw para maenjoy ang maikling panahon na walang pasok.
Kaya noong isang araw ay ginugol niya ang sarili sa paghahanap ng mga lugar na pupuntahan. She wants to go on a road trip. Hindi pa kasi niya iyon nagagawa kaya gusto niyang subukan. It's one of her bucket list, actually.
"Vinn is outside, sweetheart. May lakad ba kayo?" Bungad sa kanya ng ina matapos nitong pumasok sa kusina
Tinapos niya muna ang paglalagay ng cucumber sa burger na ginawa bago sinagot ang tanong nito.
"Yes, my. We will go to some places po." Aniya
Tumango naman ang mommy niya.
"That's nice. Sinagot mo na ba?"
Ngumuso siya at umiling.
"Hindi pa po, I'm just waiting for him to ask me."
Kinuha nito ang pitsel na may lamang juice sa ref atsaka nilagyan ang baso na nasa countertop.
"Bakit hindi mo nalang sagutin kahit walang tanong?" Takang tanong nito sa kanya
She sighed.
"Ginawa ko na po kaso sabi niya gusto niya raw gawing espesyal iyon kaya I just let him." Kibit-balikat niyang tugon
Napangiti ang ginang sa narinig.
"Ang sweet naman ng batang 'yon." Kinikilig pa nitong sabi
"He is." Nakangiti niyang pagsang-ayon
"You two will surely can produce beautiful babies! I can vividly imagine their faces already."
"Mommy! Ang advance niyo naman po, hindi pa nga kami atsaka akala ko ba study first?" She raised her eyebrow while crossing her arms
Natatawa itong nilapitan siya.
"Syempre tatapusin muna ang pag-aaral bago niyo kami bigyan ng apo pero kung hindi mapigilan--"
"Mom!"
Niyakap siya nito patagilid.
"Let me finish kasi."
"Fine."
"Okay, ang sabi ko kung hindi mapigilan edi gumamit kayo ng protectio--"
"Mommy!!" She covers her ears not wanting to hear more of her mom's words
Malakas itong tumawa sa naging reaksyon niya.
"Joke lang naman pero--"
Sinamaan niya ng tingin ang ina. Ang kulit eh.
"Kidding aside, I want you to be happy. Alam kong maibibigay nun ni Vinn sa'yo pero wag na wag ka niyang sasaktan kundi malalagot siya sa akin." Seryosong saad ng kanyang mommy
She smiled at her mom.
"I'll tell him about that. Thank you, mommy. I love you." At niyakap ito nang mahigpit
"I love you too. Sige na tapusin mo na 'yang babaunin niyo sa byahe, magbibihis na muna ako dahil aalis rin kami ng daddy mo ngayon."
Bago paman ito makalabas ay inusisa muna niya.
"Saan kayo pupunta, my?" Tanong niya habang nilalagay na sa isang ziplock plastic bag ang mga pagkain
"Magdidate kami."
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."