Chapter 3

432 8 1
                                    

Simula noong sabay na magdinner ang pamilya nila ni Vinn sa kanilang bahay ay inaanticipate na niyang makikita ng madalas ang lalaki pero kabaliktaran ang nangyayari dahil hindi pa niya ulit ito nasisilayan ni kuko o buhok nito wala kaya naiinis siya.

Ano ba naman 'yan, akala pa naman niya magkakatime na silang dalawa. Tsk. Mukhang malabo pang mangyari. Badtrip.

Kaya ayun wala siya sa mood na nakinig sa dinidiscuss ng kanilang prof sa harap.

Ganunpaman, nagfocus pa rin siya sa mga sinasabi nito mahirap na at baka biglang magpaquiz wala pa siyang masagot na tama. Hindi pupwede iyon. Oo, maganda siya pero kailangan pa rin niyang maging brainy para total package talaga.

Natapos ang klase nila na walang quiz na naganap at tanging assignment lang ang binigay kaya maaga silang dinismiss.

Sukbit ang LV satchel bag sa kanang balikat at hawak naman ng kaliwang kamay ang isang libro ay nilabas niya ang telepono upang tignan ang groupchat nilang magkakaibigan.

The Goddesses. Yan ang name ng groupchat nila. Kyrin was the one behind it. Ito kasi ang nakaassign sa buwang 'to kaya ang babae ang nagpangalan, next month naman ay siya kaya ngayon palang pinag-iisipan na niya kung ano.

Tylaine:
Who's free this lunch? Sabay tayo :)

Kyrin:
I have class :(

Zandie:
May activity kami, Ty.

Franz:
Hindi ako available. Sorry, Ty.

Dahil mamaya pa naman ang next class niya kaya siya ang libre ngayong lunch. She immediately typed something then send it after. Not long, Tylaine replied.

Tylaine:
Yay! See you at the cafeteria, V. :*

She smiled at her friend's reply. Instead of sending another message, she chose to give Tylaine's chat a heart reaction then walked her way towards the cafeteria.

Panay scroll lang siya sa facebook habang naglalakad. Dinidelete yung mga nag-aadd sa kanya na hindi niya kilala or frankly said, di niya bet.

Alam niyo naman may mga nagrerequest diyan na hindi intensyon ang maging kaibigan mo kundi ang makichismis lang sayo. Meron din namang makikipagchat lang kunwari magpapakilala pero manliligaw na pala pagkaraan ng ilang araw. Tsk tsk. Mga galawan nga naman. Psh.

Nabaling lang ang atensyon niya sa iba ng tawagan siya ng kaibigan.

"V, here!" Kaway sa kanya ni Tylaine

Ngumiti siya rito at agad na lumapit. Nilagay naman niya sa bag ang cellphone na hawak kanina.

"You sure, you don't have class?" Bungad na tanong nito matapos bumeso sa kanya

Napatawa naman siya dahil dun.

"I assure you, I don't. Mamaya pang 1:30 ang susunod kong klase." Tugon niya saka naupo kaharap dito

"Good. Akala ko nagcutting ka, e." Ngising aso nitong saad

Pabirong inirapan niya ito.

"Masyado akong mabait para gawin 'yon."

"Sabagay. Parehas lang naman tayo." Kibit-balikat nitong sagot

THE HOTTIE SERIES 3: FaveroWhere stories live. Discover now