Chapter 10

333 4 0
                                    

Kinabukasan ay cellphone agad ang hawak niya. Kakagising niya lang pero yun talaga ang inuna nagbabaka'sakaling merong importante na makikita.

At mukhang dininig siya dahil may dalawang mensahe siyang natanggap mula sa binata.

Oh my, sungit. You just made my morning again. XoXo

Dali'dali niya iyong binuksan at binasa. Syempre hindi siya excited sa lagay na yun.

From: My Sungit
I have my ways. Sorry, I got busy earlier. By the way, how's your day?

Oo pinangalanan na niya ito baka kasi mabura niya ng hindi sinasadya kaya minabuti nalang niyang lagyan ng label.

Nawa'y lahat may label.

Gusto naman niyang matawa sa naisip. Di bale nararamdaman na naman niyang malapit na silang magkaroon dalawa.

That's the spirit, ghorl! Push mo yan.

Nunkang susuko siya. Wala yun sa bokabularyo ng isang Vea Ameithyst no. Palaban 'to, sis.

Matapos ng text na iyon binasa niya naman ang pangalawa.

From: My Sungit
I guess you're sleeping already. Alright, have a good night sleep.

Ewan ba niya pero kahit walang ka emoji'emoji iyong kasama ay umaapaw pa rin talaga ang kilig niya.

Ganyan kasi mga umiibig kahit sa kaliit'liitang bagay kinikilig.

Siguro nga ganoon. Normal sa isang taong nagmamahal ang makaramdam ng kilig kahit sa anong bagay basta patungkol sa iniirog.

Ang taray ng iniirog na word ha nakakamature pakinggan.

Nagsisi tuloy siya kagabi kung bakit maaga siyang natulog at hindi man lang naghintay pa ng matagal di sana nareplyan niya ito, nagkapalitan sila ng messages hanggang sa pareho na silang tulog. Hayy. Badtrip naman. Lelevel up na e naudlot pa.

Para naman makabawi rito, nagcompose siya ng text. Gusto niya yung simple lang at di halatang may landing kasama.

To: My Sungit
Good morning! Have a nice day ahead :)

Sent.

Hindi na siya naghintay pa ng reply at mabilis na bumangon saka inayos muna ang higaan bago pumasok ng banyo upang magshower.

It took her more than thirty minutes to finish all her rituals. Dahil nakakonekta naman ang banyo sa walk-in-closet niya ay doon na siya dumiretso para makapagbihis agad.

Wearing a Ralph Laurent collar blouse in nude color paired with a tight jeans, square toe kitten heels sandals and a designer bag, she went out of her room.

Tanging matte lipstick at konting powder ang nilagay niya sa mukha dahil gusto niyang maging simple lang sa araw na iyon. Isang yellow tie-back headband naman ang nasa buhok niya.

Pagsipat niya sa sarili kanina sa whole body mirror niya ay kaagad sumilay ang kontentong ngiti sa kanyang labi. She loves her ootd. Simple yet chic.

Pagkababa ay tinahak niya ang daan papunta sa kanilang dining room.

Kasalukuyang naglalagay ng mga pagkain ang isang kasambahay nila sa mesa kung saan nakaupo sa kani'kanilang pwesto ang kanyang mommy at daddy nang marating niya ang silid.

Masigla naman niyang binati ang dalawa.

"Good morning, parents!" Sabay lapit niya sa mga ito para humalik sa pisngi

Nakangiti siyang nilingon ng kanyang ina.

"Good morning too, sweetheart. You look happy." Pansin nito sa kanya

THE HOTTIE SERIES 3: FaveroWhere stories live. Discover now