The "hatid-sundo" thing continues. Everyday Vinn would be seen outside their house waiting for her to come out. It became their daily routine and her favorite scenario.
Kaya araw-araw walang palya tuwing umaga maganda ang gising niya at may malawak na ngiti sa labi dahil magkikita na naman sila ng lalaki. Unti-unti na ring lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Nakakatakot pero hindi siya aatras.
"How's Vinn, sweetheart?" Biglang tanong ng mommy niya habang nasa hapagkainan silang pamilya
Heat invaded her cheeks upon the mentioned of his name.
"A-Ahm.. He's okay naman po, my." May pagkautal niyang tugon
Her mom has this teasing smile while nodding.
"That's good.." Komento pa nito
Yumuko lang siya at tinuon na muli ang atensyon sa kinakain.
Akala mo mahinhin. Sus! A tiny voice inside her head uttered
Tahimik lang siya at nakikinig lang sa pag-uusap ng kanyang mga magulang.
They're talking about their business and since she can't fully relate to it, she chose to finish her food.
"Is it true that Vinn is always here to fetch you?" Nakataas ang kilay na usisa sa kanya ng ama
She gulped. Her heart started to pump quickly with the question.
"Yes, dad." Diretso niyang saad
Nagpapasalamat siya at nagawa niyang sabihin iyon nang walang bahid na kaba.
Matagal bago ito tumango.
Halos mapahinga naman siya ng maluwag dahil dun.
"Kayo na ba?" Sunod nitong tanong na nagpatigil sa kanya ng ilang segundo
Narinig naman niya ang hagikhik ng ina.
"Hindi pa po.." Iling niya rito
"Hindi pa pala, sweet eh." Natatawang wika ng mommy niya
Hindi naman ito pinansin ng kanyang ama.
"Nanliligaw ba 'yon sayo?"
Q&A portion pala ito. Aniya sa sarili.
Ngayon lang ata siya kinabahan sa ama.
"Opo, dad." Sagot niya at kinagat ang ibabang labi
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang tatlo. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba.
Tinitigan siya nito sa mata.
Jusko! Nanliligaw pa nga gan'to na paano pa kapag jowa niya na?? Kalokaaaa!!
Halos pagpawisan na siya sa maaari nitong isagot.
"Okay." Kibit-balikat nitong usal saka ininom ang nakahandang kape
Maang niyang tinignan ang ama sa naging sagot nito sa kanya.
Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Akala pa naman niya magagalit ito o pagbabawalan siya pero hindi iyon ang nangyari.
Kinabahan ka lang pala sa wala, gorl!
Tulala siyang nakatitig sa kawalan wari inaalisa ang usapan nila ng ama.
"Look at her reaction, sweet." Narinig niyang sabi ng kanyang mommy
Naramdaman naman niya ang tingin na pinupukol sa kanya ng dalawa.
"I guess, my acting went well."
Napatawa ang kanyang ina sa sinagot ng asawa nito.
What the?! Acting lang 'yon??
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."