Chapter 11

299 4 2
                                    

Tumigil sila sa parking lot ng isang restaurant. Kaunti lang ang tao at maluwag ang space sa loob base sa nakikita niya mula sa labas ng salaming bintana ng kotse.

Masasabi niyang may kamahalan ang lugar dahil na rin sa itsura nito at pagkadisente. Hindi pa siya nakapunta rito siguro dahil hindi siya ganoon nag-iexplore ng mga pwedeng kainan sa metro kaya ngayon niya lang ito nadiskubre.

Akma niyang bubuksan ang pinto matapos alisin ang seat belt nang inunahan siya ni Vinn na gawin 'yon.

"Thanks." Saad niya rito nang makababa

Tinignan siya nito saglit saka tumango.

"Let's go." Sabay hawak nito sa kaliwa niyang kamay

Para naman siyang naistatwa habang nakapako ang paningin sa magkahawak nilang kamay.

Gosh.. Ang smooth ng moves niya.

"Are you okay?" Lingon nito sa kanya nang mapansin na hindi siya gumagalaw sa likod

"A-ahm, y-yes.." Utal niyang tugon nang hindi nakatingin rito dahil alam niyang nagbablush siya

The latter held her chin to make her look at him in the eyes.

"What's wrong? You don't want this?" Taas nito sa mga kamay nila

Napakagat naman siya sa labi at umiling sa binata.

Ang behave mo d'yan ah. Nakakapanibago.

Shucks. She act like a highschooler being noticed by her ultimate crush-- the heartthrob of their school.

"So that means, you want this?"

Aba syempre bet na bet niya 'yan. Nakuu, kung alam mo lang Vinn Lewis.

Wala sa sarili siyang napatango agad dahilan upang marinig niya ang gwapo nitong pagtawa.

Omg, V! Di man lang nagpakipot kahit konti, tango talaga agad?? Kaloka.

"Don't worry, I want this too." Hayag nito saka siya hinila papasok sa magarang kainan

Ang puso niya naghuhumerintado sa pagtibok ng mabilis maging ang mga paru-paro niya sa tiyan umaariba din. The oh-so-called 'Sungit's Effect' is now attacking her.

"Good afternoon, ma'am/sir." Bati sa kanila ng guwardiya na siyang nagbukas ng salaming pintuan

Tumango lang ang binata rito samantalang binigyan naman niya ng isang ngiti si manong guard.

A young male attendant assist them to a table for two. Nakasunod lang sila rito habang magkahugpong pa din ang mga kamay.

Ah! Kinikilig siya talaga. Sana hindi lang ito isang panaginip.

Pinipigilan niya lang ang sariling ngumiti nang malawak baka kasi sabihin ng makakita sa kanya na may sira siya sa ulo. Matuturn'off sa kanya si sungit nun kaya hindi pupwede.

"Here's your table, ma'am/sir." Magalang na saad ng attendant sa kanila bago ito umalis at tinawag ang isang waiter

Binitawan naman siya ng kababata para ipaghila ng upuan. Matamis niya itong nginitian at nagpasalamat pagkatapos.

Hmm, gentleman. Plus points.

Nang maupo na rin ito ay agad na silang nagtingin ng gusto nilang orderin sa menu na nakalapag lang sa bilog na mesa.

"What's your order, ma'am/sir?" Kapagkuwan ay tanong sa kanila ng waiter

"Cacio e Pepe Potato Gnocchi and Mint-White Chocolate Milkshake for me, please." Aniya

THE HOTTIE SERIES 3: FaveroWhere stories live. Discover now