Sa lahat ba naman ng pwede mong sabihin Vea, bakit yun pa!? Magugulat na nga lang, may kakawala pang ganun sa bibig. Paano mo na iyon babawiin, huh? Sentimyento niya sa sarili matapos maibubulas ang hindi dapat.
Pahamak na bibig 'to!
Hindi niya pinansin ang binatang nasa kanyang likuran na tumatawa pa rin pero mahina nalang.
Umismid siya rito at humalukipkip. Nagets siguro nito na hindi siya natutuwa kaya tumikhim ito saka tumayo ng maayos.
"Did I heard it right, miss Veliz? Crush mo 'ko?" Tuksong tanong nito sa kanya kapagkuwan
Kunot-noo niya itong tinignan sa mukha, pilit tinatago ang kaba dahil sa pagsasabi ng totoo kanina.
"What are you saying, Favero? I was just surprised with your presence, ba't ka ba kasi nanggugulat?" Nakataas ang kilay na usisa niya sa lalaki
Akala siguro nito aamin siya. Hah. Hindi nito pwede iyong malaman sa ngayon baka lumaki lang ang ulo at maging pabibo. This is not the right time for that saka na kapag naging sila.
Ay wow, advance masyado.
Muntik na siyang mapangiti dahil dun sa naisip na magiging sila pagdating ng araw. Iba din talaga ang isang Vea napakaconfident sa mga bagay'bagay.
"I was just asking if what are you doing earlier. I didn't know it would startled you."
"Ano bang nakita mo?"
Natigilan ito at nag-isip.
"You're dancing like crazy."
Napanguso siya sa sinabi nito. Ang galing niya kaya sumayaw tas sasabihin nitong para siyang baliw kanina? Hindi niya matanggap. Akala mo naman dancer kung makahusga. Hmp.
Paano ba naman kasi nang pumasok sa utak niya ang 'soon to be lover' ay bigla siyang kinilig kaya di niya napigilang umindak kahit walang tugtog. Malay niya bang makikita siya nito na nasa ganoong senaryo. Kung alam niya lang edi sana tinodo niya pa para maakit ito. Nagsexy dance na sana siya. Pagkakataon nga naman naging bato pa.
"Fyi, I was gracefully dancing kanina kaya hindi yun crazy atsaka alam mo naman palang nagsasayaw ako, bakit ka pa nagtanong?" Gagad niya
"Akala ko kasi nabaliw kana." Patuya nitong tugon
Uminit bigla ang ulo niya dun. Siya nabaliw? Ang ganda niya naman para magkaganun. Sinisira ata nito ang gabi niya e.
Gwapo sana judgmental lang. Tsk.
Peke siyang ngumiti rito.
"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka nalang." Irap niya rito
Narinig niya muli ang sexy nitong pagtawa. Ayan tumawa lang naging marupok na ulit. Hayy. Vea Ameithyst Veliz, napakasoft mo pagdating kay Vinn Lewis Favero. Wag ganun, sis.
"All right. I'm sorry, nakakatuwa ka kasi." Saad nito matapos makita ang nakabusangot niyang mukha
Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nitong nakakatuwa siya. Ehem. She is his happy pill now. Gosh.
"So, happiness mo na ako ganun?" Walang pagdadalawang-isip niyang sinabi 'yon
Imbis na magulat ay napataas lang ang gilid ng labi nito.
Damn that smirk. Nakakacrush lalo.
"Hindi." Walang pakundangan nitong sagot
She stomped her foot on the bermuda grass with his answer.
YOU ARE READING
THE HOTTIE SERIES 3: Favero
Romance"When I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."