- 🖇️ bringing back the past (pt2)

32 5 0
                                    

Hoshi × Reader

---

Y/N's POV

Di na ko na alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito. Gaano na ako katagal dito sa pesteng past life ko. Di ko alam kung papaano pa ako makakabalik sa mundo kung nasaan ba talaga ako

May mga naaalala na rin ako tungkol dito sa mundo kung nasaan ako. Sabihin na nating halos lahat ay alam ko na

Nalaman ko na nung araw bago mabagok ang aking ulo ay nalaman ko na dapat na sasagutin ko na pala ang isa sa mga masusugid kong manliligaw. At yun ay si Prinsipe Soonyoung o mas kilala bilang Prinsipe Hoshi

Ang kaso di natuloy. Kaya naman di ko na alam ang gagawin ko. Isa ako sa mga napili din ng reyna ng bansang ito na mapangasawa ng Mahal na Prinsipe. At sa lahat ng napili niya ay ako ang pinaka gusto niya kaya naman yun ang naging dahilan kung bakit ako nililigawan ng mahal na prinsipe at maging kanyang asawa at maging susunod na reyna ng bansang ito

Ang kaibigan kong si Hanhye naman ang isa sa mga dahilan bakit ko naalala ang mga nakalimutan ko. Syempre, pinaalala niya sakin at yung mga sinasabi naman niya ay biglang lumalabas sa paningin ko kapag ako'y lutang o kaya naman ay nakapikit. Minsan din ay napapaginipan ko

May mga pagkakataon pa nga na habang ginagawa ko ang mga bagay daw na lagi lagi kong ginagawa, bigla na lang may pumapasok sa isip ko at tila yun ang mga ginagawa ko ng araw na yun

May mga araw din na ang mismong Prinsipe ang nagpapaalala sakin ng mga nakalimutan ko. May mga alaala din kasi ako na lagi ko siyang kasama, at masaya pa nga kami nang araw na yun ehh

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" Tanong ko sa kaibigan kong si Hanhye nang pumunta kami sa mismong sapa yata kung saan daw mismong bumagok ang aking ulo

"Oo" sagot niya habang naglalakad kami. "Malapit na tayo sa mismong sapa at doon sa bato kung saan ka nabagok, baka sakaling makaalala ka pa" dagdag niya pa

"Anong klaseng alaala naman ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. "Ehh halos lahat naman ng nakalimutan ko, naaalala ko na rin naman na" nagtataka ko pang sabi

Tumigil naman siya sa paglalakad at ganon din ako, tumingin naman siya sakin at ganon di naman ako. "Ganito kasi yon Y/N" aniya. "May mga sinabi ka pa na hindi mo maalala, kaya naman sinusuban kitang dalhin ulit doon at baka sakaling may maalala ka" aniya pa at nagsimulang maglakad

Napakamot naman ako ng ulo at sumunod sa kanya. "Ano naman yung mga sinabi kong hindi ko maalala?" Takang tanong ko pa sa kanya

"Basta may sinabi ka ng araw na yun ehh" tila nakakalimutan na niyang dagdag. "Basta!" Sabi niya pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad

Napakamot nanaman ako sa ulo ko at sumunod na lang sa kanya. Malayo layo pa rito ang sapa kaya naman malayo layo pa rin ang lalakarin namin

Wala namang ibang sasakyang pangtransportasyon sa panahon na ito at tanging mga kabayo lang ang pwede mong masakyan. Meron namang iba, pero ito ang gama na mahal na reyna, hari, prinsipe at prinsesa lang ang maaaring sumakay

Kaya kahit masakit na ang paa ko sa kalalakad ay tiniis ko na lang ang paglalakad. Bukod kasi sa di ako komportable sa suot kong sapin sa paa, may kanipisan pa ang mga ito

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon