- 🖇️ the accident

123 9 0
                                    

Dk×Reader

A/N: Other scenes here are not suitable for young readers... So move on to the next stories and read some suitable for young readers or skip the scene that not suitable for young readers and read the part of the story that is suitable for young readers... But if you have time to read the whole story without skipping it... Read it at your own risk...

Enjoy reading!

Lolovelots♥︎

---

Y/N's POV

"Sige na Y/N, pumayag ka na! Iinom lang naman tayo nila Dk at nung mga kaibigan natin ehh" pagpipilit sakin ng kaibigan kong si Gema

"Paano kung makarating kina Mama na uminom ako, yari ako uyy" sabi ko

"Tsk, di yan, kami ang bahala kina Tita kapag nalaman nila, kaya sige na, konti lang naman ang iinumin natin ehh, sumama ka na Y/N" pagpipilit ulit sakin ni Gema

"Oo nga Y/N, party party lang naman yung gagawin natin kasi nakapagtapos na tayo, tapos nakapasa na rin tayo sa bar exam" sabi rin naman ni Harold sakin, kaibigan namin

"Haysss, sige na nga sige na, sasama na ako, happy?" Sabi ko

"Yun pumayag rin" masaya nilang sabi

"Hihintayin na lang natin si Dk, on the way na daw siya" sabi ni Katherine, kaibigan ko rin

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita naming dumating na si Dk. Nag paalam daw muna kasi siya at isa pa ay may ginawa pa daw siya na di namin alam kung ano yun

Nakita ko namang bumaba na siya ng sasakyan niya at kumaway samin. Nakikaway na rin kami

"Ayy nandiyan na si Mr. Topnocher, ikaw manlibre dito ahh?!" Sabi ni Joshua

"Luh, di sakto ang dala kong pera mga loko kayo" natatawang sagot niya habang napapakamot ng batok

"Wag kang mag alala, nandito naman kaami para tulungan kang magbayad kung sakaling kulangin yan" masayang sabi ni Katherine at inakbayan siya

Ngumiti naman siya

"O siya, tara na, puro kwentuhan, para di tayo abutin ng madaling araw niyan" masayang sabi ni Harold samin at pumunta na kami sa bar na pupuntahan namin

Niyayaya kasi ako nitong mga kaibigan ko na party party daw kami at ang napag usapan namin ay yun... Uminom

Nung una ayaw kong uminom kasi first time ko tapos sila nakailang beses na. Kasi magagalit yung mga magulang ko kapag nalaman nila 'to. Haysss naman

An Hour Later...

Third Person's View

"Sige pa! Inom pa! Marami pa ohh!" Sigaw ni Gema at Katherine kay Dk

"G*go! Baka malasing si Dk uyy!" Sabi ni Harold

"Isa lang naman! Tapos ayos na!" Sigaw ni Gema

Binigay niya kay Dk ang baso at pinilit na painumin siya ng isang basong beer

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon