- 🖇️ my bully is my secret admirer

243 11 11
                                    

Woozi×Reader

---

Y/N's POV

Naglalakad na ako papalabas ng Campus... Uwuian na rin kasi kaya ayun uuwi na ako hehe

"Hoy Y/N!" Tawag sakin ng isang lalaki

Napatigil naman ako sa paglalakad at tinignan siya... Si Woozi

Ang pambansang bully ng Campus na ito... Putek wag na wag mong subukang sirain ang araw ko

"Anong kailangan mo?" Tanong ko

"Ayy nagtanong ang babaita, akin na yung pera mo" sabi niya

"Wala akong pera" sabi ko

"Ibigay mo na lang kasi" sabi ng kaibigan niyang si Suga

Nagsama talaga 'tong pandakekot na 'to ehh no...

"Wala nga kasi akong pera, narinig niyo naman ang sinabi ko diba?" Sabi ko

Ngumiti naman si Woozi at lumapit sakin

"Tandaan mo, may utang ka sakin babaita ka"

Tinulak ko naman siya ng mahina

"Excuse me, di ako nangutang sayo, sa totoo nga ikaw yung may utang sakin ehh"

Sinamaan naman ako ng tingin ni Woozi at hinawakan ang pulsuhan ko

"Ibigay mo lang kasi yung pera mo, kung ayaw mong masaktan"

Pinagbabantaan ba ako ng dwendeng 'to...

Wag kayong mag alala... Mas maliit pa rin ako haha...

Sapilitan ko namang tinanggal ang kamay niya sa pulsuhan ko

"Sinabi ko ngang wala akong pera diba!"

Nakita ko namang may papalapit samin na mga taga... Office... Putek ano!

Wag niyong sabihin na mapupunta nanaman ako sa pesteng lugar na yon...

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Tanong ng Guidance Councilor

Patay nanaman kami dito... Makakausap nanaman namin ang Principal nito...

Di naman namin nagawang sumagot pa

"Ayaw niyong sumagot, sumama kayo sa Principal's Office"

Wala naman kaming nagawa kundi sumama

---

"Halos sampung beses na kayong napupunta dito sa office ko, ano nanamang problema niyong dalawa ahh?!" Tanong ng Principal

"Siya po kasi ehh!!" Sabay naming sagot ni Woozi

"Yan nanaman nagtuturuan kayo, sabihin niyo na lang sakin ang totoo, anong nangyari?" Tanong ulit ng Principal

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon