- 🖇️ special story: happy birthday seungcheol

53 8 14
                                    

Before the story starts, I'll put some notes here in the story

•⸙ This is a Work of Fiction, Names, Characters, Places, Events, Incidents, Products, etc. Are part of Author's Imagination or I used it as a fictionus manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential. Thank you♥

•⸙ Also, beware of wrong grammars and typos in this story. I don't edit them so beware, I'm a fast typer, and I don't read my stories at all, so beware of wrong grammars and typos. Thank you♥

---

Seungcheol × Reader

---

Yna as you
Seungcheol as your Idol/Bf

---

"Sa sabado hindi ka available?" Tanong ni Yna sa boyfriend niya nang magkaroon sila ng pagkakataong mag usap

"Hindi pa pwede jagi ehh, alam mo namang pongahahandaan namin yung fanmeeting namin, tapos birthday ko pa yung araw na yun" sagot naman ni Seungcheol sa kabilang linya

Napanguso naman si Yna. "Halos isang buwan na nga tayong hindi nagkita dahil diyan sa comeback niyo, tapos ngayon wala pa rin?" Parang maiiyak nang tanong ni Yna kay Seungcheol

"Alam mo naman yung trabaho ko diba? Tsaka magkakasama naman tayo ehh" sagot pa ni Seungcheol

Ngumuso na lang ulit si Yna at tumango tango. "Oo na, alam ko namang magkikita naman tayo ehh, di ko lang talaga alam kung kailan" aniya

"Gagawa na lang ako ng paraan para magkita tayo sa birthday mo" sabi naman ni Seungcheol

Ngumiti naman si Yna at umiling. "Kahit hindi na, mas mapapagod ka lang kung pupunta ka pa" pigil niya sa nobyo. "Nag uusap naman tayo sa phone ehh, ok na yun sakin, kahit magvideo call tayo ayos na sakin yun" dagdag niya pa at pilit na ngumiti

"Sigurado ka ahh?" Tanong ni Seungcheol. "Mamaya kasi, baka dinadamdam mo na yan?"

Bahagya namang natawa si Yna. "Oo naman ayos lang sakin yun" sagot niya sa unang tanong ni Seungcheol. "Tsaka, anong dinadamdam diyan? Hindi 'no? Ayos lang talaga sakin, matatapos din naman ito ehh, makakasama din kita nang matagal" sagot naman niya sa pangalawang tanong ni Seungcheol

"Siguraduhin mo lang, kapag talaga nalaman ko na dinadamdam mo yan, lagot ka talaga sakin" banta pa ni Seungcheol

Bahagya namang natawa si Yna. "Opo, lagot po ako sayo kung ganyan nga ako" natatawang sagot ni Yna

"Seungcheol, one minute na lang, kailangang nandito ka na" rinig ni Yna na tawag g isa sa mga staff nina Seungcheol

"Mukhang hanap ka na? Ayos lang naman sakin ehh, may araw naman na pwede tayong mag usap" tanong ni Yna

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon