Jun × Reader
---
Danica as You
Wen Junhui as your Boyfriend---
Si Danica ay nasa kwarto niya, ginagawa ang kanyang mga assignments, wala naman kasi siyang magawa ngayon dahil nag iisa lang siya at hindi naman niya kasama ang kanyang boyfriend na isa namang K-Pop idol
Tungkol nga pala sa kanyang nobyo. Isang K-Pop Idol ang kanyang nobyo mula sa isang sikat na grupo na nagngangalang SEVENTEEN, maraming humahanga sa grupong iyon kagaya ng ibang sikat din na K-Pop Group
Walang nakakaalam sa kanilang relasyon maliban sa mga kamembers ng kanyang nobyo at sa kanyang mga magulang, wala na rin siyang ibang sinabihan nito, pati ang kanyang nobyo dahil baka raw ipagkalat ng kung sino ang kanilang relasyon at baka ikasira pa ng kanyang nobyo pati na rin ng kanyang buong grupo
Isa lang namang sinpleng fan si Danica na sinuwerte na nga lang talaga dahil napansin siya ng kanyang iniidolo, naging kaibigan, hanggang sa naging kanyang masugid na manliligaw, at naging kanyang nobyo
Kaarawan ngayon ng kanyang nobyo at 5th anniversary na rin nila ngayon, sa mismong araw kasi ng kaarawan ng kanyang nobyo ay sinagot siya ni Danica kaya dalawang okasyon ang kanilang sinecalebrate
Masaya nga si Danica na naging nobyo niya ang kanyang iniidolo ay malungkot naman siya sa katotohanang, hanggang sa patagong relasyon lang siya magsasama
Hindi siya pwedeng lumabas na kasama ang kanyang nobyo dahil baka sila ay mahuli at kumalat, hindi siya pwedeng kumain sa labas kasama ang kanyang nobyo, hindi siya pwedeng mamasyal kasama ang kanyang nobyo, at kahit simpleng holding hands at halik sa noo ay hindi nila magawa nang dahil na nga sa trabaho ng kanyang nobyo
Isang K-Pip Idol ang kanyang nobyo, samantalang ordinaryong tao lamang siya. Napakalaki ng pagkakaiba nilang dalawa, nasa tuktok ang kanyang nobyo at habang siya ay nasa baba lamang na para bang inaabot niya ang kanyang nobyo sa pinaka tuktok
Gusto man niyang makasama ang kanyang nobyo na walang tinatago ay mukhang hanggang imahinasyon na lang dahil ayaw naman niyang masira ang trabaho ng kanyang nobyo nang dahil sa kanya
Kahit ang mga ka myembro rin ng kanyang nobyo ay gusto silang pagsamahin ng walang tinatago ay hindi nila magawa, wala silang magawa kundi ang pagkitain sila nang patago, malayo sa mga mata ng ibang tagahanga ng kanilang grupo
Halos hindi nga minsan nakikita ni Danica ang kanyang nobyo dahil sa pabalik palik nitong trabaho at paulit ulit na promotions, minsan din ay dahil sa world tours na kanilang ginagawa
Hanggang sa usap sa phone na lang sila nag uusap at kung suswertihin naman siya ay nakakapag video call sila, malas na lang kung sa isang araw o linggo ay hindi sila nag uusap dahil sa busy niya sa trabaho
Mayamaya lang, habang ginagawa ni Danica ang kanyang assignments ay biglang tumunog ang kanyang phone, senyales na may tumatawag sa kanya. Agad naman niyang kinuha ito at ganoon na lang ang ganda ng ngiti niya nang makitang ang pangalan ng kanyang nobyo ang tumatawag
My Junhui❤️... Calling
Nakangiti namang tinignan ni Danica ang pangalan ni Jun sa screen ng kanyang phone bago niya sinagot ang tawag na mula sa kanyang nobyo
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
RandomThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...