Wonwoo×Reader
---
Y/N's POV
Naglalakad ako sa kalsada kasama ang stick ko... Wala naman akong magawa sa bahay... At isa pa... Puro sermon, utos at kung anong pwedeng gawin nila Mama at mga kapatid ko
Nagtataka kayo kung bakit may stick ako na hawak?... Ayy di ko pa pala nakukwento hehezzz...
Bulag ako... Yes tama ang rinig niyo... Bulag ako... Since i was 4 or 5 years old... Di ko na kasi maalala... Naaksidente ako... At yun ang dahilan bakit ako nabulag
Noong una mahirap... Pero... Nasanay na rin ako... Oo mahirap pero kailangang kayanin... Permanente na ito ehh... Di na babalik pa ang paningin ko kahit magdasal man ako ng magdasal
Pwede pa naman daw akong makakita... Kung... May magdodonate ng eye transplant para sakin...
Pero imposible yun... Lahat ng tao gustong makakita... Makita ang magandang paligid... Makita ang mga taong mahahalaga sa kanila... Kaya tinanggap ko na... Di na ako makakakita kahit kailan...
Alam kong masakit... Pero kakayanin...
Habang naglalakad ay may bigla akong nabangga... Naku... Patay... Paano kung masungit yung nabangga ko...
"A-ahh s-sorry, pagpasensyahan mo na ako" sabi ko
"Ayos lang miss, wala namang nangyari saking masama" sagot ng isang lalaki
Uwaaa... Mukhang maginoo itong lalaking ito ahh... Sana nga hehe
"P-pagpasensyahan mo na ako ahh, d-di kasi ako nag iingat ehh"
"Ayos lang, at isa pa, bulag ka ba?"
Luhh nagtanong... Pano kung sabihin ko ang totoo... Baka ipahiya niya ako sa maraming tao... Pero sana hindi
"A-ahh oo, b-bulag nga ako, pagpasensyahan mo na ako ahh"
"Kaya naman pala, di mo na kailangang mag sorry, naiintindihan ko kaya bigla mo akong nabangga" sabi niya na parang mahinahon lang ang tono ng boses niya
Naku... Mukahang mabait siya ahh...
"Siya nga pala miss, anong pangalan mo? Para maitawag naman kita sa pangalan mo" tanong ng lalaki
"A-ako si Y/N Han, 19, pagpasensyahan mo na ang pangalan ko ahh" pagpapakilala ko
"Ayos lang, maganda naman ang pangalan mo ahh, gaya ng may ari"
Binobola ba ako ng lalaking 'to... Naku di mo ako makukuha sa ganyan ganyan mo
Ngumiti na lang ako
"Siya nga pala, ako naman si Jeon Wonwoo, at ikinagagalak kitang makilala"
"Ako din"
Hayss sana kung nakikita ko lang siya... Siguro napaka gwapo niya... At napaka tangkad... Ang hirap kapag di ka nakakakita... Di mo makita ang lahat ng gusto mong makita
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
De TodoThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...