Jeonghan×Reader
---
Jeonghan's POV
I was here in my office today... Doing my office works...
Nakita ko namang pumasok ang Secretary ko sa office ko
"Anong kailangan mo Secretary Go?" Tanong ko
"Ahh Mr. Yoon, may tawag po kasi kayo, kaso unknown number po, trinansfer ko na rin ang tawag sa telephone niyo" sagot niya
At narinig ko namang tumunog ang telepono ko... Agad ko naman itong sinagot
"Hello" sabi ko
"Hello, ito ba ang asawa ni Mrs. Y/N Yoon?" Tanong ng kung sino sa kabilang linya
"Oo ako nga, bakit mo natanong, at sino 'to?"
"Isa akong Doctor dito sa Seoul Medical Hospital"
"Wait Doctor? Anong nangyari sa asawa ko?"
"Sasagutin ko na lang ang mga tanong niyo mamaya kapag nandito na kayo"
Binaba ko naman ang telepono at kinuha na ang mga gamit ko... Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at lumapit sa Secretary ko
"Mauuna na akong aalis Secretary Go, ayusin mo na lang ang mga gamit ko sa tables ko, after that pwede ka nang umuwi" sabi ko
"Ok po Mr. Yoon, mag iingat na lang po kayo" sabi ng Secretary ko
"Sige, salamat na lang" sabi ko at umalis na
---
Nandito ako sa labas ng kwarto kung saan nakaconfine ang asawa ko
"Ano bang nangyari kay Y/N at bigla na lang siyang sinugod dito sa ospital?" Tanong ko
"Bigla na lang kasing sumakit ang dibdib ni Y/N, kaya dali dali namin siyang sinugod dito" sagot ni Mama
"Papa, gagaling naman si Mama diba?" Tanong ng anak namin na si Kai
Ngumiti naman ako at kinarga ang anak namin ni Y/N
"Syempre naman baby, gagaling si Mama" sabi ko at pinaupo siya sa upuan
Nakita ko namang lumabas ang Doctor na tumingin kay Y/N... Lumapit naman siya sakin
"Kamusta na ang asawa ko Doc? Bakit siya nahirapang huminga?" Sunod sunod kong tanong
"May nakita kaming butas sa puso ng asawa mo" sagot ng Doctor
"Pwede pa po bang gumaling ang asawa ko?"
"Malabo yang tanong mo Mr. Yoon, napakahina na ng katawan ng asawa mo, kahit ang puso niya, ano mang oras ay pwede itong sumuko, pero sana naman hindi"
"Bakit naman hindi na pwedeng gumaling ang asawa ko Doc?"
"Dahil napakalaki ng nakita naming butas sa puso ng asawa mo, kahit gamutin man namin 'to or operahan ay sobrang labo na pwede siyang gumaling"
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
De TodoThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...