- 🖇️ muli (when i was your man part 2)

52 3 0
                                    

a/n : malapit nang mag one year simula nung nilabas ko yung part one nito, sorry rin dahil di na ako masyadong active dito, i'm focusing on my studies kasi lately kaya nawalan ako ng time dito, i'll make time pa rin para dito ang makapag update sa lahat ng on-going stories ko kasi ayaw ko namang matambak lang dito ang di na mapansin, so sana maintindihan niyo, have a great day ahead, and enjoy reading everyone. ^^>

Seungcheol × Other Reader (You)

---

Dani as you
Seungcheol as your man
Jeonghan as your ex-man
Siara as Seungcheol’s ex-woman

---

Also, this chapter was not suitable for young readers, some part of this story may have sexual content, thank you

---

|• Seungcheol Choi •|

“Tama na nga yan, kanina ka pa diyan ehh” suway ko sa kanya nang balak niyang inumin ang ika siyam na bote ng beer

Tumingin naman siya sakin at sinamaan ako ng tingin. “Wag mo nga akong pigilan” sabi niya

I just rolled my eyes, tumayo na ako at hinila siya papatayo, sumenyas naman ako sa waiter na tapos na kaming uminom at nagiwan na lang ng pera doon, matapos nun ay hinila ko na lang siya papalabas ng bar para matapos na, kanina pa ako naririndi sa kanya puta

Salamat na lang talaga at hindi na siya nanlaban pa dahil kapag ginawa niya yon, wala akong ibang choice kundi buhatin tong babaitang ito at manahimik

Mukha nga ring nawala yung lasing ko nang magsimula siyang uminom, siya na kasi yung sumalo ng lahat ng baso ko hanggang sa ito na siya, lasing na lasing

Mayamaya ay napatakbo naman siya sa isang gilid at doon sumuka ng marami, lumapit naman ako sa kanya at hinagod ang likod niya

“Tangina naman kasi Dani, bakit ba napakarami mong ininom? Tignan mo tuloy yung nangyari” sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya

Di naman siya nagsalita pa at nagpatuloy lang sa pagsuka hanggang sa matapos siya, kinuha ko naman yung panyo ko na nasa bulsa ko at binigay yon sa kanya, kinuha naman niya yon at pinunasan ang bibig niya

Mayamaya ay ibabalik na sana niya sakin ang panyo nang ibalik ko ulit yun sa kanya. “Sayo na yan, wag mo nang ibalik” sabi ko

Nang makitang ayos ayos naman na siya ay saka ko na siya inayang umuwi. “Tara, umuwi na tayo, doon ka muna sa condo ko tumuloy, since hindi ko alam kung saan ang bahay mo” sabi ko pa

Tango na lang ang sinagot niya, inalalayan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko, pinasakay ko naman siya sa passenger seat, since lasing siya ay kailangan ko pa siyang alalayan na makaupo ng maayos, nang matapos na ay sinara ko na ang pinto sa may passenger seat at dumiretso na sa driver's seat

Nang makasakay ay nakita ko naman siyang nililigid ligid ang paningin na para bang hindi niya alam kung nasaan siya

“Hoy, umayos ka nga, umupo ka ng maayos diyan” sabi ko sa kanya

Tumingin naman siya sakin na para bang hindi niya ako kilala. “Sino ka ha?!” Pasigaw niyang tanong. “Kidnapper ka no?! Kikidnappin moko no?!” Lasing pero pasigaw niyang tanong

Nagpatuloy naman siya sa pagsigaw kaya lumapit na ako sa kanya at tinakpan ang bibig niya para matahimik niya siya, nakakahiya, baka pagkamalan nga akong kidnapper

Pasalamat na lang talaga at walang tao dito sa parking lot kaya walang nakarinig sa sigaw nitong babaeng to

Di pa rin siya tumigil sa kakasalita kahit na natakpan na ang bibig niya. “Ano ba, ako to si Seungcheol, yung kaibigan ng ex mo, at kaibigan mo ex ko ano ba” singhal ko sa kanya

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon