- 🖇️ the cheaters (pt2)

118 10 0
                                    

Mingyu×Reader

---

After a years

Y/N's POV

Halos mag wawalong taon na simula nung wala na kami ni Mingyu...

Si Yugyeom naman nagsama na sila nung girlfriend niya... Magkakaanak na nga daw sila ehh

Si Mingyu wala na akong balita sa kanya...

Hayss di ko pa rin makalimutan lahat ng katarantaduhan na ginawa ko...

At nalaman ko rin na mas naunang nagloko si Mingyu...

Saan ko nalaman? Kay Yugyeom din mismo... At nalaman ko rin na malayong kamag anak ni Mingyu yung babaeng kasa kasama niya nang di man lang niya alam

Sa totoo pinagsisisihan ko pa rin ang lahat lahat... Nung oras na niloko ko si Mingyu... Yung oras na umuuwi ako ng bahay tapos parang cold lang ako... Hay buhay nga naman

Papasok na ako ngayon sa trabaho ko... Isa akong Call Center Agent...

Simula kasi nung naghiwalay kami ni Mingyu naghanap na agad ako ng trabaho

At sa totoo lang maraming lalaki ang may gustong makipagrelasyon sakin... Pero ayaw ko... Bakit?

Kasi para sakin si Mingyu lang ang tanging lalaki para sakin... Siya ang first love ko... Siya lang ang first para sakin

Oo siya ang unang nagloko pero di ako magagalit sa kanya... Magagalit ako sa sarili ko kasi nagkulang ako...

"Hoy Y/N, tara na, baka magalit nanaman si boss satin" sabi ng kaibigan kong si Mina

"Oo nandiyan na" sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko

Lumabas naman na ako ng kwarto ko at umalis na kami ni Mina papunta ng trabaho

---

"Di mo pa rin ba nakikita si Mingyu after ng 8 years?" Tanong ni Mina at kumain ng baon niyang pagkain

Umiling iling naman ako

"Di pa, halos 8 years matapos nung nangyari samin at maghiwalay kami" sagot ko at uminom ng yougurt na baon ko

"Pero aminin mo nga Y/N, mahal mo pa rin ba si Mingyu?"

Napatigil naman ako sa tanong niya at tumingin kay Mina ng seryoso

"Oo, kaso mas masaya na siya doon sa babaeng sinunod niya sakin" malungkot kong sagot

Ngumiti naman si Mina at hinaplos haplos ang likod ko

"Wag kang mag alala Y/N, makakahanap ka rin ulit ng lalaking para sayo, malay mo baka magkabalikan pa kayo ni Mingyu"

"Tsk, asa ka pa Mina, di na mangyayari yun, alam ko namang di na ako mahal ni Mingyu ehh"

Di naman siya nagsalita at kumain na lang

---

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon