Hoshi×Reader
---
6 Years Later
Y/N's POV
Halos 6 years na rin ang nakalipas nung nanghiwalay kami ni Hoshi...
Umayos naman na ang buhay ko... Pinag aral ako ng mga magulang ni Hoshi kahit hiwalay na kami at nakapagtapos naman ako...
Isa na akong Chairman sa company nila Hoshi... Alam kong doon ako nagtatrabaho pero di ko makita si Hoshi...
Ang mga magulang ni Hoshi ang dahilan kung bakit ako napasok dito... At masaya naman ako kasi natutulungan ko ang pamilya ko
Still may communication pa naman ako sa mga magulang ni Hoshi pero wala na akong communication kay Hoshi...
Siguro... Kinalimutan na lang niya talaga ako... Yun ang sabi niya ehh...
6 years na ang nakakalipas pero may nararamdaman pa rin ako kay Hoshi... Siya at siya lang ang mahal ko...
Alam kong pinangako ko na hindi ako maiinlove pero di ko mapipilit ang nararamdaman ko... Siya at siya lang ang mahal ko
Balik muna tayo sakin...
Pauwi na ako ngayon... Wala na rin naman akong gagawin...
"Secretary Kim, mauuna na ako, ikaw na lang ang bahalang mag ayos ng mga gamit ko at pagkatapos pwede ka na ring umuwi" sabi ko
"Sige po Ms. Bang, mag iingat na lang po kayo" sabi ng Secretary ko
"Ikaw din" sabi ko at umalis na
Dumiretso naman ako ng elevator... Pinindot ang down at hinintay na bumukas ang pinto ng elevator...
Ilang segundo lang ang nakalipas ay bumukas na ang pinto ng elevator... Papasok na sana ako nang makita ko si Hoshi...
"Y/N?!"
"H-hoshi"
Sa lahat ba ng pwedeng lugar na makita ko siya dito pa...
Pumasok na lang ako ng elevator at pinindot ang basement at hinintay na bumaba papunta ng basement ang elevator
"So, kamusta na ang ex wife ko pagkatapos ng 6 years?" Tanong niya
Tumingin naman ako sa kanya
"Ayos naman, tsaka wala ka nang kailangang ipag alala pa" sagot ko
Tumango naman siya
Ngumiti naman ako at umiwas ng tingin
Nakita ko namang bumukas na ang pinto ng elavator... Nandito na ako sa basement...
Lumabas naman na ako at pumunta na sa sasakyan ko...
Nang makapunta na ako sa sasakyan ko ay nagdrive na ako pauwi ng bahay...
Ilang minuto lang naman ang biniyahe ko pauwi ng bahay...
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
RandomThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...