- 🖇️ bringing back the past

87 6 3
                                    

A/N: So this story was requested by my facebook friend. I dunno if she have a wattpad account so i cannot mention her here hehe

So enjoy reading hehehe. Wrong grammar and typos ahead

-

Hoshi × Reader

---

Y/N's POV

"King ina Y/N! Ang bagal bagal mo talagang magtrabaho ehh no!" Sigaw sakin ng boss ko pagkabigay ko ng papeles na pinapakuha niya

"S-sorry Sir, a-ano po k-kasi---"

"Wag ka nang magdahilan pa!" Sigaw niya kaya napapikit na lang ako. "Sige na! Umuwi ka na! Bwiset naman ehh!" Sigaw niya pa

Napamulat ako ng mga mata ko at sunod sunod na yumuko. "Sorry po talaga Sir" paulit ulit ko pang sinabi yon hanggang sa makalabas ako ng office niya

Nang makalabas na ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napasandal saglit sa pader na katabi lang ng pintong nilabasan ko at huminga ulit ng malalim

Nang magsawa na ako sa ginagawa ko ay pumunta ako sa pwesto ko at kinuha na ng bag ko. Dumiretso na ako sa elevator at nang makarating sa ground floor ay lumabas na ako sa building na pinagtatrabahuhan ko at dumiretso na sa bus stop

Nang may tumigil na bus ay sumakay na ako dito. Nagbayad gamit ang card ko at umupo sa bandang gitna kung saan wala masyadong nakaupong pasahero

Nang tumigil malapit sa apartment ko ang bus ay bumaba na rin ako at naglakad na pauwi sa apartment ko

Nang makarating na ako sa apartment ko ay kinuha ko ang susi ng bahay at pumasok na. Nilock ko rin ito pagkapasok ng apartment ko at binuksan ang iilang ilaw ng apartment ko

Binaba ko naman ang gamit ko sa couch ko at kumuha ng damit pamalit at ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin ako ng banyo ko at kinuha ang mga gamit ko at dumiretso sa kwarto ko

Sinara ang pinto ng kwarto ko at umupo sa kama ko. Pinunasan ko naman ang buhok kong mamasa masa pa

Dumiretso naman ako sa study table ko at binuksan ang blower ko at sinimulan ko nang patuyuin ang buhok ko

Naalala ko nanaman yung pagsigaw sigaw sakin ng boss ko kanina. Simula nang matanggap ako sa trabaho ganon na siya sakin. May problema kaya sakin kaya ganon siya

Ginagawa ko naman yung best ko tapos ang sama sama ng ugali niya sakin. Tapos ang masama pa minsan na niya akong sinabihan ng malas daw ako sa kanya

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pinatay na ang blower at tinanggal ito sa saksakan nang matuyo na ang buhok ko

Nilagay ko naman na sa pinaglalagyan ko ng maruruming damit ang tuwalya ko at humiga na sa kama ko

Mabilis naman akong nakaramdam ng antok dahil sa pagod

At sana paggising ko... Sana magising na lang ako sa isang panaginip kung saan walang nagsasabi sakin ng malas o kung ano ano pang masasamang salita tungkol sakin

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon