Minghao×Reader
---
Y/N's POV
"Hey Y/N, hinahanap ka na ng bestfriend mo sa labas ng bahay" sabi ng bestfriend kong si Diana
"Bakit daw?" Tanong ko
"Ewan ko, basta gusto niya daw lumabas kasama ka" sagot na lang ni Diana
Tumango naman ako at lumabas ng bahay... Pagkalabas ko naman ng bahay ay nakita kong nakasandal si The8 sa sasakyan niya habang nagcecellphone
Nakita ko naman siyang tumingin sakin nang mapansin na parang lumabas ako ng bahay
Ngumiti naman siya... Naku wag na wag mo akong ngitian... Natutunaw ako
"Lumabas ka na pala" sabi niya
Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya
"Bakit ka naman pumunta dito sa bahay? Di mo man lang sinabi sakin para nakapaghanda man lang ako" sabi ko
Ngumiti naman siya ulit... Sus wag mo akong ngingitian... Natutunaw ako promise
"Ayos lang, tsaka may text ako sayo, di mo lang siguro nabasa, kaya di ka nakapag handa"
"Ehh ano naman yung sinabi mo sakin sa text mo?"
"Sinabi ko lang naman kagabi na kung pwede sana kitang yayain na mamasyal, kaso di ka nakapagreply"
Napakamot naman ako sa ulo ko at tinignan ang phone ko... Pumunta naman ako sa messages at tinignan ang text niya sakin...
Ayy oo nga... Nagyaya siya... Di ko lang nakita
Tumingin naman ako sa kanya...
"Sorry, di ko nabasa ehh, nagbibihis lang ako sandali ahh" sabi ko
Tumango naman siya na may kasamang ngiti
"Or kung gusto mo doon ka muna sa loob ng bahay para di ka dito sa labas, sobrang init dito ehh" sabi ko
"Sobrang init, gaya ko" biro niya
Natawa naman ako sa sinabi niya at hinampas ang braso niya
"Loko ka kahit kailan, tara doon muna tayo sa loob ng bahay at doon mo na ako hintayin"
Tumango naman siya at sumama sakin papasok ng bahay... Agad naman akong dumiretso sa kwarto ko at nagsimula nang magbihis
🌙Fast Forward
Hayss tapos na ring magbihis at mag ayos... Pumunta naman ako sa salamin ko at doon inayos ang sarili ko... Nang matapos mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita kong nagkukwentuhan sina The8 at Diana... Wow... Saya niyo ahh
Tumingin naman sakin si The8... Tumayo naman siya sa kinauupuan niya
"Tapos ka na palang mag ayos" sabi niya
Tumango naman ako at ngumiti
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
RandomThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...