Dino×Reader
---
Y/N's POV
"Ayy gago nandiyan na ang panget"
"Putek ang parang habang padating ang araw mas lalo siyang pumapanget"
"Oo nga, di man lang ayusin ang sarili niya"
"Bakit dito pa kasi yan nag aral, nakakairita na lagi sa paningin ehh"
"Oo nga, sana umalis na siya dito"
"Kapag nalaman lang talaga 'to ng owner ng school na 'to, sana paalisin na nila si Y/N dito, ayoko nang makita ang pagmumukha niya"
"Di ka lang nag iisa, ako din"
Break time na break time ay yan ang bungad sakin ng mga students... Kahit kaninang pasukan naman yan ang pinag sasasabi nila kaya di na bago sakin. Sanay na ako sa mga naririnig ko
Nasasaktan man... Pero pinili ko na lang manahimik. Sabi nga nila hayaan mong magsisi ang mga taong gumagawa ng ganito sayo
Habang naglalakad ay nakita ko ang kaibigan kong si Dahyun na palapit sakin at kumakaway kaway pa. Pagkalapit sakin ay parang pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko
"Bakit ganyan nanaman ang mukha mo?" Tanong niya at tinignan ang paligid
"Narinig mo nanaman yang mga mapanghusgang mga bibig nila no?" Tanong niya ulit pero di ko na naisipan pang sumagot
Huminga naman siya ng malalim at inakbayan ako
"Hayaan mo na yan Y/N, magsisisi din yang mga yan" sabi sakin ni Dahyun
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya
Naglakad na lang ako bilang sagot sa sinabi sakin ni Dahyun at naglakad na papunta ng canteen dahil nagugutom na ako
"Naku! Kapag nalaman talaga ng mga yan na--- mmmm mmmm hmmm" di na natapos ni Dahyun ang sasabihin nang bigla kong takpan ang bibig niya
"Alam mo namang ang tagal tagal ko nang tinatago yang sikretong yan tapos masisira lang dahil sayo" sabi ko
Narinig ko namang tumigil na siya at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya
"Oo na, tatahimik na, bakit ayaw mo pa kasing sabihin sa kanila ang totoo?" Tanong ni Dahyun sakin
Umiwas naman ako ng tingin at nagsimula nang maglakad papunta ng canteen. Sinundan naman ako ni Dahyun
"Kung sabihin ko man, di rin naman sila maniniwala sa sasabihin ko, baka nga pagtawanan pa nila ako ehh" sagot ko
Tumango na lang si Dahyun at sinabayan na akong maglakad. Di na rin siya umimik
Habang naglalakad naman kami ay nasalubong namin ang grupo ni Dino ng mga badboys
Napahinto naman sila nang makita kami at ganon din naman ako. Napayuko naman ako kasi alam ko nang mapapahiya nanaman ako. Hinahanda ko lang ang sarili ko
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
RandomThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...