- 🖇️ special story: happy birthday hoshi

60 3 0
                                    

Hoshi × Reader

---

Marielle as You
Kwon Soonyoung/Hoshi as your boyfriend

---

"Grabe ohh, ang gwapo gwapo ng boyfriend ko dito" pamumuri ni Marielle sa kanyang nobyo sabay turo sa picture ng kanilang upcoming comeback

Ngumiti naman si Hoshi at tinignan din ang picture na tinitignan ng kanyang nobya. "Ako lang ang gwapo diyan, wala nang iba" pagmamayabang ni Hoshi sa kanyang nobya

Natawa naman si Marielle at hinampas ang braso ng kanyang nobyo. "Ikaw ahh? Baka marinig ka nila, totohanin pa yung sinabi mo" natatawang ani Marielle

"Edi totohanin nila, totoo naman yung sinabi ko ehh" pagmamayabang pang ani Hoshi

"Yan!" Agad na napatingin ang dalawa sa kanilang likuran nang marinig nilang may magsalita, at nang tignan nila ito ay si Seungcheol ito, leader ng kinabibilangang grupo ni Hoshi, kasama din nito ang iba niyang mga kamyembro. "Yan na lang lagi ang ipinagmamayabang mo sa tuwing nariyan ang girlfriend mo, sapakin kita diyan ehh" amba na bi Seungcheol pero agad na umilag si Hoshi

"Yan kasi Hoshi hyung, wag magback stab, maraming nasasaktan dito" sabi naman ni Seungkwan

"Oo nga naman hyung, hinay hinay sa pananalita" parinig din ni Dino, natawa naman silang lahat maliban kay Hoshi na ngumuso

"Ano bang ginagawa niyo dito? Ngayon ko na nga lang masosolo ang hamster ko ehh" nakangusong ani Hoshi

"Hinahanap na tayo, papatapos na tayo sa pagshoshoot sa MV natin" sagot ni Jeonghan at tumingin kay Marielle. "Mukhang kailangan mo nang umuwi Marielle, alam mo namang di ka pwedeng magtagal dito dahil masungit si Manager" sabi ni Jeonghan at bahagyang natawa

Natawa din naman si Marielle at tumango, tumingin naman siya kay Hoshi. "Mukhang hanggang dito na lang hamster ko" ani Marielle

Napanguso naman si Hoshi at tumango sa kanyang nobya. "Okay, basta pupuntahan kita sa bahay niyo mamaya ahh?" Ani Hoshi

Ngumiti at tumango naman si Marielle. "Opo, hihintayin kita mamaya ahh, pero kung hindi ka naman makakapunta, ayos lang" sabi ni Marielle at tumayo na, tumingin naman siya sa mga kamyembro ni Hoshi at ngumiti. "Mauuna na ako ahh? Galingan niyo na lang" sabi ni Marielle

Ngumiti naman silang lahat at tumango. "Ingat na lang pauwi" halos sabay sabay pa nilang sabi

Ngumiti naman si Marielle, sandaling nagpaalam pa sa kanyang nobyo at umalis na. At as usual, di na siya nagpahalata nang nasa labas na siya dahil ayaw naman niyang mahalata siya ng iba

Dahil wala naman siyang gagawin sa kanila kundi ang humiga, umupo, kumain, magcellphone at wala nang iba

Bakasyon kasi nila at syempre, wala siyang pasok kaya wala naman siyang ibang gagawin kundi ang walang gawin sa kanilang bahay

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon