A/N: Thank you to my dongsaeng Zyra Sophia Reyes (i unno if she had a wattpad account) who requested this story hehe
-
Mingyu×Reader
-
Y/N's POV
"Nasaan ka na ba kasi? Kanina pa kita hinahanap dito sa sinabi mong meeting place natin?" Tanong ko sa kanya habang palinga linga pa para hanapin siya
"Nandito lang ako, nakikita na nga kita dito Babe ohh" sagot ni Mingyu sa kabilang linya
"Huh? Bakit di kita nakikita?" Tanong ko ulit na palinga linga pa rin para mahanap siya
"Promise nandito lang ako, nakikita talaga kita" sabi niya pa ulit mula sa kabilang linya
"Ehh di na kita makita---" natigilan ako nang makita siya. Malayo layo dito kung nasaan ako nakatayo. Kumakaway kaway siya habang hawak ang cellphone niya na nakadikit sa tenga niya habang kausap ako
"Ano? Nakita mo na ako Babe?" Tanong niya sakin
"Mmm, nakita na kita" sagot ko. Nakita ko namang pinatay ang tawag kaya nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at patakbong lumapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap rin naman niya ako pabalik
"Miss mo na ba ako Babe?" Tanong niya na hinalikan pa ako sa noo. Tumango naman ako bilang sagot
"Mmm, namiss kita, minsan na lang kasi tayo nagkikita" malungkot na sagot ko
"Wag ka nang mag alala, magkasama na tayo ngayon ohh" nakangiting sabi niya
"Ehh baka sa susunod nanaman na linggo tayo magkita niyan o mas matagal pa" malungkot na sabi ko pa rin
"Di natin masasabi yan kasi busy rin ako sa trabaho ehh" sagot niya pa
"Siya nga pala, bakit wala kang tawag o maski text nung nakaraang araw ahh? May iba ka na ba?" Tanong ko
Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ngumiti naman siyang tumingin sakin
"Syempre naman Babe hindi, busy lang lang ako sa trabaho kaya ganon yung nangyari" nakangiting sagot niya
"Sa trabaho lang ba talaga? O sa iba?" Parang nagtatampo kong tanong ulit sa kanya
"Babe, wala ka bang tiwala sakin? Syempre sa trabaho lang ako busy, tsaka tuwing nasa trabaho nga ako, ikaw at ang future lang natin ang nasa isip ko ehh" sagot niya at napangiti naman ako sa sinabi niya
Ngumiti naman siya at hinalikan muli ako sa noo na tumagal naman ng konti bago tumingin sakin ng deretso sa mga mata ko
"Bakit nga pala nakipagkita ka sakin dito?" Tanong ko
"Gusto ko lang sanang mamasyal tayong magkasama dito, ayaw mo ba yun?" Tanong din naman siya sakin
"S-syempre gusto ko no! Nagtataka lang ako kung bakit di tayo sa mall namasyal" nakanguso kong sagot
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
De TodoThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...