- 🖇️ long distance relationship

103 6 0
                                    

Vernon×Reader

---

Y/N's POV

"Talagang ngayon na ba ang alis mo Yeobo?" Tanong ko kay Hansol habang nakapout at nakatayo kaming dalawa dito sa may check in

Ngumiti naman siya at lumapot sakin... Niyakap naman niya ako at hinalikan ako sa noo... Halik lang talaga niya sapat na huhu... Kaso mamimiss ko 'to kasi aalis siya

Kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng seryoso

"Sorry po Yeobo, di ko mapipigilan sina Mama, i have to go there para tapusin ang pag aaral ko" sagot niya

"Pero pwede namang dito ka na lang ahh, para magkasama pa rin tayo dito sa Korea" nayuko kong sabi

Hinawakan naman niya at pisngi ko at hinarap sa kanya ang mukha ko

"Babalik naman ako dito Yeobo ehh, kaso..." putol niyang sabi

"Kaso ano Yeobo?" Nagtataka kong tanong

"Matatagalan nga lang bago ako makabalik dito sa Korea kasi kailangan kong tapusin ang pag aaral ko doon" malungkot niyang sagot

"Ehh gaano ka ba katagal doon sa America?" Tanong ko ulit

"3 years Yeobo" sagot niya at biglang lumungkot

"Ang tagal naman Yeobo!" Sigaw ko dahilan para pagtinginan kami ng ibang tao dito sa airport

Muli naman niya akong niyakap at hinalikan ako sa noo

"Babalik naman ako dito pagkatapos ng 3 years ehh" sabi niya habang naka yakap pa rin sakin

"Pero paano kung makahanap ka ng iba mo doon ahh?!" Sungit kong tanong

Kumalas naman siya sa pagkakayakap at tinignan ako... Hinaplos haplos naman niya ang pisngi ko

"Di naman kita ipagpapalit Yeobo ehh, ikaw lang ang love ko" nakangiti niyang sabi kaya di ko maiwasang mapangiti na lang din

"Pero kung sakaling makahanap man ako, mag ready ka na lang, di na ako magpaparamdam sayo" sabi niya na parang seryoso siya sa sinasabi niya

Hinampas ko naman ang dibdib niya at tinulak siya ng mahina

"Parang gusto mo naman ehh!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin

"Joke lang naman Yeobo, ito, di ka na talaga mabiro kahit kailan" sabi niya

Tumango na lang ako at ngumiti na lang... Napatingin naman ako sa wrist watch ko

"Sige na, pumasok ka na dun, baka di mo maabutan ang eroplano niyan" sabi ko sabay tingin dun sa may pinagche check in

Tumingin muna siya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay

"Mag iingat ka na lang dito Yeobo ahh, and don't worry, lagi lagi kitang tatawagan" sabi niya

Tumango naman ako

- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon