Seungkwan×Reader
---
Y/N's POV
"Nak yung manliligaw mo nasa labas, bakit ayaw mong papasukin?" Tanong ni Mama sakin
"Bahala siya sa buhay niya Ma, kakainis siya" sabi ko
Tumango na lang si Mama at umalis na ng kwarto ko...
Kainis yung Seungkwan na yun... Nakita ko namang may humalik sa pisngi niya kanina...
"Y/N, usap na tayo please, sorry na" rinig kong sabi ni Seungkwan galing sa labas ng bahay
Kainis na... Di pa rin ba siya umaalis...
Ilang beses ko pa rin siyang narinig na sumigaw sigaw...
Hayss nang iinis ba siya ahh... Lumabas naman ako ng kwarto ko
"Sinsabi ko naman sayo anak, patuluyin mo na si Seungkwan, wala namang meaning yung hinalikan siya nung babaeng nakita mo kanina, malay mo kamag anak niya lang yun o ano" sabi ni Mama
Kailangan talagang ipaliwanag Ma ahh...
Lumabas naman ako ng bahay at doon ko naman nakita si Seungkwan na ayun... Sinisipa sipa yung mga bato na nakikita niya...
Tumingin naman siya sakin
"Diba sabi ko umalis ka na" taray kong sabi
"Sorry na kasi Y/N, bigla naman kasi akong hinalikan sa pisngi nung---"
"Wag ka nang magpaliwanag, nakakainis ka ehh" sabi ko at nag cross arms
Lumapit naman siya sakin at niyakap ako
"Sumusuko ka na ba? Di mo na ba ako sasagutin ahh? Ayaw mo na ba sakin?" Sunod sunod niyang tanong
"Basta nakakainis ka" sabi ko
"Sorry na kasi, papatunayan ko sayo na ikaw lang ang love ko" sabi niya
"Sige, tutal malapit na rin ang prom sa campus, doon mo patunayan" sabi ko
Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo
"Sige, promise ko yan" sagot niya
|Prom Day|
"Ayiee ganda naman ni Y/N, sige pa kapalan mo pa yung blush on" sabi ni Sowon kay Eunha
"Hoy, baka naman mukha na akong baboy diyan ahh" sabi ko
"Wala ka bang tiwala saming mga kaibigan mo Y/N ahh, pinapaganda ka lang naman namin para kay Seungkwan" sabi ni Eunha sakin at nilagyan ng blush on ang pisngi ko
Di naman ako sumagot at hinayaan na lang sila na make upan ako
Naku pag ako talaga nagmukhang ano... Masasapak ko 'tong anim na babaitang 'to tignan niyo lang
Nang matapos nila akong ayusan ay hinarap na nila ako sa salamin...
Shet... Ako ba 'to... Bakit ba ang gagaling ng anim na 'tong mag make up ahh...
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
LosoweThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...