Dino×Reader
---
Dino's POV
"Aba! Ang gwapo naman talaga ng Dino boy namin" salubong sakin ni Jun hyung pagkarating ko sa gaganapan ng party namin
"Syempre naman, kailangan talagang paghandaan no? Makikilala na natin ang babaeng anak ng may ari ng school na 'to" sagot ko
At kusa na lang akong napangiti sa sinagot ko sa kanila. Makikilala na nila kung sino ba talaga ang tunay na Y/N
"Oo nga, iniisip ko napakaganda niya" sabi ni Hoshi hyung habang nag iisip
"Sigurado naman akong maganda talaga siya, isasayaw ko siya sa gitna mamaya at mag coconfess ng feelings" proud na sagot naman ni The8 hyung
"Baka nga bastedin ka lang nun ehh" mapag asar na dagdag ni Jun hyung sa sinabi ni The8 hyung at nagtawanan naman kami
"Kailangan talagang paghandaan 'to" sabi ni Hoshi hyung
"Totoo yan hyung, baka nga magulat pa kayo kung sino yang ipapakilala nila Mr. And Mrs. Kang ehh" wala sa sarili kong sabi
Nakita ko namang taka silang napatingin saking tatlo. Yung takang taka talaga na para bang nawiwerduhan sa sinabi ko
"Kung makapagsalita naman ang Dino boy namin ay parang kilala na kung sino ang ipapakilala. Kilala mo na ba?" Tanong ni Jun hyung sakin
Umiling naman ako
"Di pa, wala naman akong paki kung sino man siya, kaya kayo lang ang nabanggit ko" pagsisinungaling ko kahit na excited na ako na ipakilala nila si Y/N sa lahat
Pumasok na rin kami sa gaganapan ng party. Pagkapasok ay napakarami nang students na naka gown at mga tuxedo attire. Eto kasi ang usapan na susuotin ng lahat samin
Di tuloy ako makapaghintay na mapahiya ang mga mukha nila kapag nakilala na nila kung sino ba talaga si Y/N
Kailangan ko pa talagang kausapin ang mga magulang ni Y/N na sina Mr. At Mrs. Kang para lang masiguro na makikilala ng mga students dito ang tunay na Y/N
•Flashback•
"Pumasok na daw po kayo sa office Mr. Lee, hinihintay na po kayo ng mag asawa" sabi sakin ng secretary nila
Pumasok na ako ng office nila Mr. At Mrs. Kang. Mabuti na lang at business partners sila ng mga magulang ko kaya kilalang kilala nila ako
Nang makapasok ako ay sinara ko rin ang pinto at humarap sa kanila. Ang nakangiting Mr. At Mrs. Kang ang bumungad sakin
"Dino iho, maupo ka" paanyaya sakin ni Tita at iginaya ako sa upuan sa harap ng table nila
Ngumiti naman ako at umupo sa upuan
"Anong kailangan mo dito iho? May mahalaga ba tayong pag uusapan?" Tanong naman ni Tito sakin
"Ikakamusta ko lang po si Y/N sa inyo" sagot ko
"Ahh yun ba iho? Ayos naman ang anak namin, bakit may bago ka nanaman bang balita samin?" Tanong ulit ni Tito sakin
BINABASA MO ANG
- 🖇️ svt one shot imagines. (under editing and translating to english.)
AléatoireThis book has a random one shot imagine stories hehehe... Dala ng aking imagination ay nagawa ko ang mga ito or kung hindi naman kaya ay may pinaghuhugutan ako kaya ginawa ko ito hehe.. Hope you like it -Dani Wrong typos and grammars ahead ©® Dani🍊...