Rivalry 01

47 6 55
                                    

Read. Vote and Comment. Thank you♥
[Grammatical and typographical errors ahead!]

Chapter 01: St. Maximus' Dorm.

Blaise's POV


"We'll miss you. Study hard. Be careful!" Mom reminds me. I kissed her on the cheek and carried my belongings. I turned to Dad who was worried looking at me. I grinned and patted his shoulder three times. "Dad, Malaki na ako. And besides, okay na rin 'to para masanay na akong mag-isa. Mabuti nga't nagkaroon na ng sariling Dorm ang St. Maximus Highschool, magiging independent person na ako." Pagwiwika ko saka ko binitbit ang ibang gamit na kanina pang naihanda ni Mom.

Bago pa man ako makalabas ng bahay ay sandali akong lumingon sa kanila. "Don't look at me like that, Mom, Dad. I can handle myself and we have a cellphone, call me if there is a problem. For now, I'll go." Pamamaalam ko.

Sumakay agad ako sa service ko. This is my last day to ride with Kuya Noah, the driver. Napaisip ako nang malalim habang tinatahak namin ang dereksyon patungo sa paroroonan ko.

I will miss them. I will miss how they treat me as a kid even though, I'm too old. But because I'm their only child, they think that I'm still their baby even their son finding a baby. Uh!

"Ingat ka!" Pagpapaalam ni Kuya Noah nang makababa na ako. Tinanguan ko lang siya at mabilis itong nakaalis.

Sigh.

Sandaling napako ang tingin ko sa aking mga bitbit saka ko ibinaling ang mga mata ko sa gate ng pinapasukan ko. Napakaganda, at waring paraiso ang labas. May mga estudyanteng nagpapasukan kaya sumabay na ako.

Sa pagpasok, isang hallway na malaki ang daraan mula sa gate. Kung nasa labas ka aakalin mong iisang Paaralan lamang ito dahil sa iisang malaking gate lang ang pasukan subalit kapag makapasok ka ay nahahati ito sa dalawa. Tanging malaking hallway lamang ang pagitan nito at ang mga Cafeteria sa gilid.

I waved to my flamboyant acquaintances. As I walk down this hallway. My eyes see a variety of faces and student classes. Magkakaibang pamilyang pinanggalingan. Magkakaibang katangian at personalidad. May iba't-ibang pinagdadaan sa buhay. May iba't-ibang paraan kung papaano nila 'to lalampasan.

Sa bandang kanan, may isang kumpulan ng mga lalaking estudyante. May saklay na bag sa likod at may patagong humihithit ng sigarilyo na nagkukubli sa katawan ng kanyang mga kasama. Ang ilan sa kanila'y may bakas ng pagkakagulpi. Ang tawag sa kanila'y 'The Siga Student' who love trouble and parochial students. They are from St. Leighton Highschool, ang karatig ng St. Maximus.


Sa aking pagpapatuloy, mahahagip ng aking paningin ang isang grupo ng mga estudyanteng nakaupo sa ibabaw ng mahabang lamesa sa gilid ng malaking hallway na aking dinaraan. Karamihan sa kanila'y may madaming pin sa ulo at mga kabaklaan.

Ito yung mga estudyanteng nagbibigay buhay sa loob ng classroom. Sila ang tagabulabog ng room kapag tahimik. Kahit may teacher sa harapan, nagpapaka-komedyante pa rin sila. Kaya hindi malabong sila ang unang nakikilala ng mga teachers—The Comediantes.

Natigilan ako sa pagsilay sa mga taga St. Leighton nang may bumagsak sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Isa itong babaeng napahiga sa gitna ng malaking hallway. Mabilis akong nakalapit sa kanila at itinayo ko ang nasabing babae.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now