Rivalry 27

13 0 0
                                    

Rivalry 27: Mastermind.

Blaise's POV

Hindi nagpakamatay.

Wala ring pumatay.

Peke ang lahat.

Kung gagamitin ang Circles sa Mathematics sa kaso, maaaring dalawa ang tumulong kay Raine para isagawa iyon para sa pagkukunwaring patay. Lahat ay plantsadong planado?

Sa isang bilog nakapaloob ang plano. Ang Vertex ay si Raine at ang Intercepted Arcs niya ay dalawa, hindi pwedeng isa dahil central angle of a circle is an angle formed by two rays whose vertex is the center of the circle.

The Vertex is Raine Gomez. The two Intercepted Arcs are the people behind this. Iisa ang Vertex at si Raine lang talaga iyon. Napahalumbaba ako sa lamesa. Mag-isa lang ako ngayon Mathematics Club Room.

If there is one person in all of this and Raine is also just a victim, maybe Raine isn't the Vertex and she's just one of the Intercepted Arcs of Angle? Shit!

Kung isa nga si Raine sa Intercepted Arcs, sino ang isa pang Intercepted Arc? 'Di ba dalawang line ang nagdudugtong isang Vertex? Sino ngayon ang Vertex? At kung totoo nga, sino ang taong ginamit niya para sa palaisipang ito?

Hindi puwedeng iisa ang rays dahil hindi makakabuo ng Angle which is the plan. At isa pa, its sides divide the mastermind into Arcs. Dalawa, dalawa ang ginamit niya para sa kaso ni Raine.

Kung sino ang Central Angle, the mastermind, the Vertex, o kung ano mang tawag sa kaniya ay alam kong napakatalino niya para gawing palaisipan ang kasong iyon. Pero para saan nga ba talaga? Bukod sa Àxious position? Bakit may pinapatay kapalit ng pagkatalo?

Sigurado na ako. Dalawa ang Intercepted Arcs, ang rays, ang sides, ang lines. At sino ang isang Intercepted Arc? Anong kinalaman niya kay Raine? Bakit hindi na pinakita sa madla ang bangkay ni Raine? Bakit agad inalis iyon? Kase totoong bangkay?

"Kung peke ang bangkay, where that bad smell came from?" Bulong ko sa aking sarili.

Maaari kayang dalawa ang Raine? Bukod sa prosthetics? Pwede. Pwede ring hindi. There is a fifty percent probability that two human bodies were used in the case. Fifty percent of one of them is actually dead and one is alive.

Kung buhay si Raine, ang isa sa rays from the center, maaaring nanonood siya sa amin ngayon at naghihintay ng susunod na plano at signal mula sa mastermind. Iginuhit ko sa papel na nakalapag sa lamesa ang hugis bilog at nilagyan ng dalawang rays.

Kailangang mawala ang nabuo nilang Angle mula sa gitna ng bilog. Mangyayari iyon kapag mawala sa bilog ang isang Intercepted Arc – isang ray na nakakonekta sa vertex.

Ang gulo! Pero totoong bangkay talaga ang ibinaba sa puno sa field ng SLH. Kung akting lang iyon, napakagaling niya. Matalino talaga ang gumawa ng Angle, ng plano. Nasa 90% na tinuruan na nag-ensayo ang dalawang rays.

Kung ganoon, bakit kaya pumayag na magpagamit ang dalawang rays? Binantaan? Maaari? O pumayag dahil may magandang kabayaran ang lahat? Shit!

Wait... How about the vial?

Biglang akong napatayo dahil doon. Mabilis akong nakarating sa field kung saan ko nakita ang vial. Ang babaeng may-ari ng vial, si Morgan kaya? Nililito lang ba niya ako sa pabango ni Morgan? Base sa kuwento ni Morgan, naiwala niya ang pabango na ang ibig-sabihin ay kinuha ng iba at muling binalik nang makuha na sa akin ang vial?

Anong nilalaman ng vial? Saan ko ulit iyon makikita? Malakas talaga ang pakiramdam ko doon, e. Kung ano man iyon, nakasisigurado akong may koneksyon iyon sa pagpepeke ng pagpapakamatay.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now