Rivalry 18

7 1 0
                                    

Rivalry 18: Indeed Killer.

Cyrein's POV


There are events that we do not expect to happen at any time. That will happen without us knowing for what reason. Sa totoo lang, takot na takot na takot na ako. Kailangan kong maging malakas pero nauunahan ako ng takot ko.

Sabay-sabay kaming napatingin sa bintana malapit sa pinto ng library. Kitang-kita ko ang mga bubog na lumipad sa hangin dahil sa malakas na impak. Napahawak ako sa aking mukha dahil may maliit na bubog na dumampi roon. Owshit! My face!

Ayaw ko mang paniwalaan na si Ms. Santos ang gumagawa nito pero kailangan kong maniwala. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya pinatay ang estudyante kanina. She's a murderer, literary. Pero bakas sa galaw niya kanina na hindi siya maalam gumamit ng patalim dahil nanginginig siya.

When she broke the window she suddenly appeared there and stared at us intently. Everything that happens to her has an explanation based on her eyes. I was even more startled when the light hit her hand. Isang palakol na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng ilaw.

Why is she doing this? Did she plan this? Incidentally? Or is there someone or people else behind it all?

I couldn’t help but wonder. Because in the first place, she was a very kind teacher. She's known as a terror mathematics lecturer pero base sa pagkakakuwento ni Blaise at ng ilang estudyante ay mabait siya. She's doing her job when she entered the room kaya sumasapi ang pagka-terror niya pero balita ko ay kapag out of the room na e nagiging kaibigan na siya ng lahat.

Hindi kaya pakitang-tao niya lang 'yon? Siya'y tunay na mapagbalat-kayo? At kaming mga estudyante ay paniwalang-paniwala sa ipinapakita niya. Pero sa anino niya may demonyong gusto kumalawa at kami ay gustong patayin?

Napakabuti niya but now, she's a murderer. Hindi ko inaasahan 'to. At sa mga oras na 'to ay nag-iisip na siya ng plano para ubusin kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit estudyante ang target niya.

At these times I can only hear the beating of my chest. Kahit anong oras kase ay pwedeng-pwede niya kaming pasukin dito. At kapag mangyari 'yon, lahat kami mamatay. Sana lang matauhan na siya. I know behind those blood, there's a tears.

Together we stand, divided we fall. At sa pagkakataong ito, there's a big possibility that we can fall. Nagtakbuhan kami. Nagkanya-kanya. Ang magkakaibigang magkakasama sa lahat ng bagay ay nagkahiwa-hiwalay ngayon.

Siguro dahil sa pagkabigla kaya nagkanya-kanya kami. Dahil sa takot, sumuot kami sa lugar na alam naming ligtas kami. Pero kung iisipin, na-corner na kami. Ms. Santos cornered us in the place where there's no a way to run away. Walang daan para tumakbo at maiwasan ang pagpatay ni Ms. Santos.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasa dulo-duluhan na ako ng mga shelves kung saan nakatago ang iba pang estudyante. Tumingin silang lahat sa akin nang may pagtatanong. Sinenyasan ko silang nandidito na ang mamatay tao kaya naalarma sila.

Nang marinig ko ang pagtumba ng lamesang iniharang nina Klint at Lawson kanina, mabilis akong sumuot sa isang cabinet na may laman ng mga lumang libro. Sa kabutihang palad ay nagkasya naman ako doon.

Sana lang may tumulong sa amin bago pa danakan ng dugo ang lugar na ito. Sana may gumawa ng paraan para mapigilan siya dahil kung hindi ay lahat kami ay mamatay. Ano mang oras ay maaari kaming patayin at ubusin niya.

Hindi sapat ang pinagtataguan ng mga estudyante rito. Tama si Blaise, e. Dapat gumawa kami ng plano para labanan si Ms. Santos. Pero sa nangyari? Mukhang wala na kaming magagawa kung hindi ang maghintay na lamang sa aming lungga at tuluyan niya kaming mahanap at mapatay.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now