Rivalry 26: Fake.
Cyrein's POV
I'm here at SMH's clinic. Sinadya kong dito unang magpunta para mangalap ng impormasyon. Prosthetics? Dito namin iyon natagpuan. Hindi ko alam pero napakalakas ng pakiramdam ko. Nang una palang na natuklasan namin iyon ay naghinala na ako.Wala namang ibang tao rito sa clinic kaya nakapasok ako nang walang kahirap-hirap. Nagtaka pa nga ako kanina kung bakit walang mga estudyante sa corridor. Nasaan kaya sila?
Speaking of that prosthetics, kadalasang ginagamit iyon sa theatrical play lalo na kapag mga horror ang genre. Ginagamit iyon upang gawing props o costumes. Maraming napepeke sa prosthetics. Maraming naloloko kapag nagagamit ito.
Gaya na lang nang manood kami ng play last year. Horror and expected talaga na maraming magagastos doon katulad ng prosthetics na kung saan ay ginagamit para maging pekeng katawan ng tao. Kapag may patay na eksena ay saka papasok itong prosthetic para gawing pekeng bangkay.
Nasa Drama Club nakalagay ang mga kagamitan para sa isang play kaya nagtaka kami kung bakit napunta sa clinic. Nalito sa pagliligpit? O sinadyang ilagay?
I can't take this anymore. Sigurado akong pasok itong mga sasabihin ko para makapuntos. Sumandal ako sa pinto at pinindot ang pulang button sa radio phone.
"Prosthetics, maaaring isa ito sa mga kagamitang ginamit?" Hindi ako sigurado sa sinabi ko. Hindi umilaw ang radio phone, ibig-sabihin ay hindi pasok ang detalye ko. Hindi kumpleto ang pangungusap ko at hindi ako sigurado.
Wait...
Totoong hindi nagpakamatay si Raine? Ibig-sabihin planado nga talaga ang lahat. Maaaring may tao sa likod nito at iyon ang dapat sagutin maliban sa tanong kung pinatay ba talaga si Ms. Gomez?
"Walang nagpakamatay at wala ring pinatay. Peke ang lahat." Boses mula sa radio phone.
Kasabay ng pagsasalita ng pamilyar na boses na iyon ang pagsasalita ng sinuman mula sa likod ng malaking glass cabinet na may kagamitang panggamot. Tumunog ang radio phone at nagsalita ulit ang isang boses na nagsalita kanina nang makapuntos si Blaise.
"One point for SLH. Ms. Zwendior scored." Pagkaanunsyong iyon ay may kumaluskos sa likod ng glass cabinet. Kumunot ang mga noo ko at dahan-dahan akong naglakad papunta roon.
Laking gulat ko nang may babaeng lumabas mula roon at ngumiti na animo'y isang babaeng nawala sa katinuan. Namukhaan ko siya. Hinawi niya ang mga takas na buhok sa mukha niya saka niya ako nginitian nang may pang-aasar.
"Anong ginagawa mo rito?" I couldn't help but ask her. Ano ba kase ang ginagawa niya rito? At bakit niya naisipang dito magpunta sa clinic ng SMH?
"Well..." Panimula niya saka siya naglakad paikot sa akin. "Hindi ko naman sinasadyang mapunta rito. Let say, akala ko basurahan 'to." Pang-aasar niya pa. Nasa likuran ko siya kaya nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata.
"Ano sa tingin mo ang sinabi mo? Peke ang lahat?" Pagtataka ko. Hinawi niya ulit ang buhok niya at maarteng hinawakan ang radio phone.
"Hula ko lang." Seryoso niya tugon. Makalipas ang ilang segundo ay kumawala ang halakhak niya.
Tss, she's crazy.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Pagtataas niya ng kilay. Kinabahan naman ako dahil doon. Gusto ko sanang sabihing iniimbestigahan ko iyong prosthetics kaso wala na naman dito iyong mga prosthetics.
"I'm here to investigate too. Alam mo 'yon? May isang bagay na misteryoso sa lugar na ito na nakita namin kaya naisipan kong dito unang magpunta." Sagot ko. Napaiwas ako sa titig niya. Napaiwas ako dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa inis na idinudulot nito sa akin. I really hate her guts!