Rivalry 20

2 1 0
                                    

Rivalry 20: The Rivalry.

Lawson's POV


Agad naming sinalubong ni Mr. Moore ang tatlong lalaki. Ang isa ay nakasalamin na may hawak na papel at ballpen at ang dalawa naman niyang kasama ay may mga camera. Kapansin-pansin ang suot nila na iisa lang ng istilo, uniporme siguro nila.

"Investigators welcome to SMH." Pagbati ni Headmaster. Nasa tapat kami ng Office niya.

Nagpalinga-linga ang tatlo. Tumikhim ang isa, the guy who's wearing eyeglasses at deretsong tumingin kay Mr. Moore. "Mr. Moore, sisimulan na ba namin ang imbestigasyon?" Pagtatanong niya.

"As soon as possible, gusto kong malaman agad ang totoong nangyari." Sagot ni Mr. Moore at sinenyas niya ang daan papuntang kantina kung saan nagsimulang mag-amok si Ms. Santos.

Halos hindi gano'n karaming estudyante ang aming nadatnan sa canteen. Not break time yet? Or are they afraid to come here because of what happened yesterday?

"This is Mr. Lawson Paige, SSG's President. Siya ang isa sa mga nakasaksi sa mga pangyayari kasama niya ang kaniyang mga kaibigan." Pagpapakilala ni Mr. Moore sa kanila at nilingon niya ako. "Mr. Paige, this is Investigator Lim." Pagpapakilala niya sa akin ng lalaking nakasalamin na halos kasing-edad niya lang.

Yumuko ako bilang paggalang. "Dito po nagsimula ang lahat." Sabi ko sa kaniya habang isinusulat niya ang bawat detalye sa paligid at ang dalawa naman ay kumukuha ng litrato.

"Maaari mo bang isalaysay ang mga nangyari kahapon sa lugar na ito?" Tanong niya. Tumango naman ako at itinuro ni Mr. Moore ang isang bakanteng round table na may apat na upuan.

Kaming tatlo lang ang pumalibot doon samantalang ang dalawa ay humiwalay sa amin at pumunta sa counter at kinausap ang cashier doon na nakasaksi rin sa karumal-dumal na krimen.

"Mr. Paige, you can start now." Wika ni Investigator Lim kaya napabalikwas ako.

Napahalumbaba ako nang ilang segundo at umayos ng upo hanggang sa isa-isa ko ng isinasalaysay kay Investigator Lim ang lahat. Sometimes I get paralyzed with apprehension. He writes straightforwardly while listening to me.

Nangangamba akong mangyari ulit 'yon 'tapos may isa na sa mga kaibigan ko ang masaktan. Naiintindihan naman ako ni Investigator Lim kung hindi ko maisalaysay nang ayos ang nalalaman ko dahil aniya ay normal lang daw 'yon lalo na't sariwang-sariwa pa ang mga nangyari.

"Were there times before that Ms. Lucy Santos was like this?" He asked Mr. Moore. Nag-aalinlangan namang napailing si Mr. Moore.

Nagpatango-tango si Investigator Lim habang nagsusulat. "Did anyone see where Ms. Santos last went before she killed a student here in the canteen?" He wondered.

Nagkatinginan kami ni Mr. Moore. Nagkibit-balikat si Mr. Moore habang ako naman ay napailing. Hindi ako alam kung saan siya galing bago siya pumunta rito.

Ilang saglit pa ay dumalo sa amin ang dalawa pang kasama ni Investigator Lim. Nakatayo sila sa magkabilang gilid ng round table. May inabot na papel 'yung isa kay Investigator Lim. Sandali niya 'yong sinilayan at deretsong tumingin sa isang lalaki.

"No one noticed Ms. Santos where she came from, according to the cashier." Pag-uulat ng isa.

Umiling ulit si Investigator Lim at nagpabalik-balik ang mata sa akin at kay Mr. Moore. "Mahirap ang kasong ito, hindi natin matutukoy kung anong dahilan niya dahil sa pagkitil niya mismo sa sarili niyang buhay. Unless, there is visible evidence to prove her motive and whether there are still people behind it." He explains.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now