Rivalry 23

11 0 0
                                    

Rivalry 23: One life.

Kameron's POV


Lahat ay kinakabahan. I can't be bothered with where I stand now because it was announced earlier that the Basketball Tournament will take place today which is supposed to take place at the sport fest. Buti na lang at nakapag-ensayo kami nang mabuti kagabi.

"Nandiyan na ang kabilang team." Bulong ni Coach.

Lahat kami ay napalingon sa kabilang bahagi ng gymnasium. Nagsigawan na rin ang mga estudyante ng SLH para i-cheer ang pambato nila. Ang aangas ng dating nila. Umikot sila sa kabuuan ng campus hanggang sa tumapat sila sa amin.

Nagpatuloy na sila papunta sa kanilang puwesto pero ang isang mayabang na lalaki ay nagpahuli at tuwid na nakatingin sa akin. Ang yabang niya! Hindi pa nga nagsisimula ang laban ay nagyayabang na siya?

I am sure he will not be included in their team if he is not one of the top SLH students selected by the Ministry. Let's just see where his arrogance goes. Pfft.

Tinawag na ang team namin kaya naglakad din kami paikot sa gymnasium. Dinig na dinig ko naman ang pakikipagsabayan ng mga kaibigan ko sa sigawan ng SMH. Gusto ko sanang gumawa ng eksena at yabangan din ang Ryder na 'yun nang tumapat kami sa kanila pero hindi ko ginawa.

This is not an ordinary game. May buhay na nakasalalay dito. May buhay na mawawala kapag matalo kami dahil lang sa ambisyon kong magpasikat para lang masugpo ang kayabangan ni Ryder.

Nagsimula na. Every step we take, every second is important. Hindi ko inaalis sa mga mata ko ang bola na hawak ng referee ngayon. Tumunog ang pito kasabay ng pag-abot namin ni Ryder sa bola. Sabay na dumampi ang mga kamay namin doon kaya tumalsik ang bola sa isang gilid.

I was about to run to chase the ball but something blocked my foot causing me to stumble and fall. Damn! That Ryder!

Bakit hindi man lang siya pinituhan ng referee. Tss. No wonder, wala rin pakialam ang referee. Ang goal niya lang ngayon ay ang tumayo at umaktong tunay na referee para maganda tingnan ang laban.

Hindi siya totoong referee. I feel like the Ministry just paid him to pretend to be a referee so that the players wouldn’t worry. Despite my feeling, my chest was pounding harder. I was very nervous. Shit! Ang hot ko pa naman para kabahan nang ganito.

Last quarter na ng laro. Tahimik na ang buong gymnasium dahil sa kaba. Lahat ay nakikiramdam sa mga masusunod na mangyayari sa kanila kapag may manalo ngayon sa unang tunggalian.

All 92 ang scores.

Lahat ng mga manlalaro ay lumakas ang determinasyon para manalo. Nasa isang gilid kami ngayon para sa ilang minutong pagpapahinga para sa huling laban.

"I know this is very challenging to us. Walang susuko, kilala ko kayo. Magagawa niyo 'di ba? May maliligtas kayong isang buhay kapag nagawa niyong makapuntos sa kanila." Pagpapaalala ni Coach at sabay-sabay ipinagsamama ang aming mga kamay at sabay-sabay na itinaas.

Ilang segundo na lang ang natitira para makapuntos. All 93 na ang scores. Nataranta ako nang mapatingin ako sa orasan sa gilid na umiilaw ng pula. 20 seconds remaining.

Lalo pa akong kinabahan nang maipasa sa akin ang bola. Umabante ako habang dini-dribble ang bola pero humarang si Ryder. His eyes were sharp. I had no time to stare at him. I need to score for the sake of SMH students.

"10 seconds." Anunsyo ng announcer.

Pinagpapawisan na ako. Hindi na ako makaabante dahil dumami na ang harang sa harapan ko. Napalingon ako sa lalaking sumitsit na ka-team ko. Sinenyasan niya akong ipasa sa kaniya ang bola na agad ko namang ginawa. Sinenyasan niya ulit ako na tumakbo papunta sa ring ng kalaban pero napahinto ako sa three points line.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now