Rivalry 19: Biggest Snakes.
Blaise's POV
Hindi na siguro talaga kami makakaligtas. Wala na kaming mapupuntahan. Her shadow was getting closer and closer. Wala kaming laban sa kaniya kahit pa mas madami kami over her. Mamatay tao siya at may dalang bagay na pwedeng kumitil ng buhay.Sa aming pagkataranta ay nadampot namin ang mga bagay na aming nakikita. Gamit na pangprotekta. Natatawa pa nga ako kung anong laban ng mga libro, upuan, at ruler na mahaba sa matalim at nakapapatay na palakol.
In terms of algebra, Ms. Santos is the formula. And if there's anyone else behind it they're the unknown variable we need to look for. We will only know the unknown variable if we can properly use the formula in the solution.
Tumigil siya sa paglakad nang ilang distansya na ang layo sa amin. Ginawa nina Lawson at Axana ang Martial arts first stunt kapag makikipaglaban. We're ready. We are ready to fight death.
But Lord, if something bad happen to me tonight please guide my parents at all cost, kayo na pong bahala sa kanila.
The corners of my eyes trembled. Ms. Santos's face is dark while still firmly holding the handle of the ax. "Ms. Lucy Santos, why are you doing this?" Morgan asked boldly while holding the thick book.
Napalingon ako kay Morgan. Kita ko ang pandidilat ni Kameron sa kaniya. Muling bumaling ang paningin ko kay Ms. Santos. Hinawi niya ang hood na nagpapadilim sa mukha niya kaya umaliwalas ang mukha niya. She smirk.
Tumawa siya nang mahina. Nagkatinginan kaming lahat dahil sa pagtawa niya. Naglakad pa siya nang bahagya papalapit sa amin habang tumatawa kaya napaatras kami. Gumilid siya kaya napagilid kami. Pinapaikutan niya kami.
"P-please Ms. Santos, kung may problema kayo pwede naman natin itong pag-usapan nang maayos." Nauutal na wika ko. She stopped walking around us and came closer to me.
I can't look directly into her sharp eyes. I could not bear to look into the eyes of the devil. Alam kong naaalarma na ang mga kasamahan ko at sila'y nakaalerto.
"Mr. Morris... My dear student." She started then she laughed again. Pabalik-balik ang mga mata ko sa kaniya at sa palakol. "I'm so glad that you're still here I thought napuruhan na kita kanina. Wait...Tama ba ang narinig ko? Pag-usapan nang maayos? For what?" Tumaas ang kilay niya.
"Ms. Santos, the problem can be solved if we use the formula for the solution properly. And I know you know that, hindi ka ganiyan. Ibang Ms. Santos ang nakilala namin." Mahinahon kong sagot. Nangilabot ako sa muli niyang pagtawa.
"Nagpapatawa ka naman bata. Kahit outside my class, e naa-apply mo pa rin ang Math? What a nice student." Natatawa niyang litanya. Umikot siya sa akin kaya nagsipaggilid ang mga kasamahan ko.
"How can the problem be solved if the formula is wrong?" She asked. She was behind me and I could feel her breath on my neck. Napatingin ako sa braso ko at kitang-kita ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil doon.
"Kapag mali ang f-formula? Must find another formula that matches the answer." Matapang kong sagot.
"Paano makakahanap ng formula kung may nakatagong isang given number?" Tanong niya sa likod ko. Napakunot ang noo ko. Hindi ako makagalaw hanggang sa maramdaman kong may bagay na malapit sa leeg ko.
"B-Blaise." Pag-aalala ni Cyrein.
"Ms. Santos." Bulong ko.
"I think it's time to reduce one of the pride of St. Maximus Highschool." Her horrible voice.