Rivalry 25: Investigation.
Blaise's POV
Awtomatikong bumukas ang malaking harang sa exit gate ng SMH nang tumapat kami roon. Bilanggo na talaga ng Ministry ang mga estudyante. Teka lang, bakit wala man lang ginagawa ang Headmaster at Headmistress sa lahat ng nangyayari?Napagdesisyunan naming maghiwa-hiwalay ng landas nang sa ganoon ay mas mapadali ang pagkalap ng impormasyon at makalamang ng puntos. For Àxious Position's sake, gagawin namin ang makakaya namin. Àxious? Ano ba ang ibig-sabihin nun?
Si Cyrein ay dumeretso sa clinic. Si Cannon ay sa library. Si Lawson ay room kung saan nagwala si Ms. Gomez at nagtangkang patayin si Mr. Chavez. At ako? Naglalakad ako ngayon papunta sa SMH's field.
Isang misteryo naman ang pagpapakamatay niya. Kung alam ko lang na isa ito sa magiging sangkap sa tunggalian ay matagal na akong nag-imbestiga. Habang dumadaan ako sa corridor ay napansin kong walang mga estudyante. Napailing ako dahil doon. Nasaan sila? Sina Kameron? Klint? Axana? Morgan? Nasaan sila?
"B-Blaise." Pagtawag ng kung sino man sa likuran ko. Nasa gilid na ako ng field. Lumingon ako at bumungad ang hinihingal na si Axana. Pawis na pawis at halatang may tinakasan.
"Axana!" Ani ko. Hindi ko magawang malungkot dahil hindi niya kasama ang iba pa naming kasamahan.
Lumapit siya sa akin. "Nasaan sila?" Deretso kong tanong. I grabbed both of her shoulders because her eyes were naughty restlessly.
"Ang mga estudyante ngayon ay ikinulong sa lumang gymnasium. Lahat sila ay nanonood sa inyo." Sambit niya.
Ano? Nanonood sa amin? Paanong– may mga camera na nakatutok sa amin ngayon bukod sa radio phone na hawak namin?
"Bakit ka tumakas? Alam mong nakikita ka nila ngayon! Bumalik ka na!" Pagpapaalis ko sa kaniya.
"Blaise, galingan niyo. Maraming buhay ang nakasalalay dito." Sabi pa niya. Aalis na sana siya nang bigla akong nagsalita. Sinigurado ko munang patay ang radio phone para hindi marinig ng sino man ang sasabihin ko.
"When you have the chance, start the investigation. We need to find out the truth." My tone is serious. She nodded because of that. Before she left her smile faded.
He left for good. I looked around the field. I don’t know why I thought to go here first. The vial I saw is no longer here. Who was that woman and what was that vial for?
Umupo ako sa duyan kasabay ng pagpasok ng mga ideya sa aking utak. Nararamdaman ko ring may nagmamasid sa akin pero binalewala ko lang iyon. I need to think carefully about all the strange things that have happened these past few days and months.
Ang pagpapakamatay ni Ms. Gomez, ang mga prosthetics, pagpatay ni Ms. Santos, ang misteryosong babae na nagmamay-ari ng vial. Nakakahilo mang isipin pero ang lahat ng iyon ay nasa isang linya lamang. Isang tuldok, ang pagpapalit ng Ministry, hanggang sa naging linya at nabuo ang ilang mga misteryong pangyayari.
Sino ka ba talaga, Ministry?
Tumayo ako sa duyan. Ang malamig na hangin ay bahagyang dumadampi sa aking balat. Bakit kaya humantong sa ganito ang sitwasyon sa paaralang ito?
Teka...
Mabilis akong tumakbo sa registrar office. Hinihingal ako nakarating doon dahil halos nasa SLH na ang puwesto nito. May dalawang bantay sa pinto. Tumago ako sa isang gilid para makapag-isip nang maayos.
How can I skip? How do I get in there?
Muli akong sumilip. Sa pagkakataong ito ay wala na ang dalawang nagbabantay kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at umabante sa tapat ng pinto. I was about to open the door when someone push me. Napasubsob ako sa harapan ng pinto.