Rivalry 17: Horrible Night.
Blaise's POV
Sa bawat oras na nabubuhay tayo dito sa mundo, may mga bagay na darating na lang bigla nang hindi natin inaasahan. 'Tapos mapapaisip ka na lang bigla na maaari palang magbago ang daloy ng buhay ng isang tao sa isang segundo lamang.There are people who will come to fulfill our dreams and there are also people who will come to destroy it. Someone will stop you from reaching what you want. Iisipin mo na lang talaga kung bakit niya kailangang gawin 'yon.
Pero ngayon, natupad na ang isa kong pangarap. Ang pangarap kong maging isa sa Ministry's List. At hindi lang 'yon, ipinakilala niya pa kami sa lahat ng paaralan na nasasakupan niya.
Naibalik niya naman kami sa aming mga paaralan nang ligtas. Madaming nagtanong sa amin kung anong nangyari dahil bigla na lang daw kami nawala. Hindi ko alam kung anong isasagot ni Lawson kay Headmaster kapag tanungin siya nito.
Sa araw na ito ay wala kaming klase. Nakatambay lang ako ngayon sa library para magbasa ng lessons na posibleng talakayin bukas. Napatingin ako nang sandali sa aking relo, alas-sais na pala. Habang abala ako sa pagbabasa nang mapansin ko ang pagdalo sa akin ni Cannon sa kanang bahagi ko. He sat beside me. I stared at him and my eyes returned to the book again when I noticed he was also reading.
He sneezed. "Do not you notice anything?" He asked. I lost focus on the book and looked at him again. He was still looking at the book.
"Which?" I wonder. My foreheads furrowed. There was a part of Cannon's face that wanted to say and ask. Something seemed to be on his mind.
"I mean, didn't you notice anything weird yesterday?" He asked again but still didn't look at me.
Alam ko na ang tinutukoy niya, 'yung pagdadala sa amin ng Ministry. Ipinaliwanag na sa amin iyon ni Ministry kung bakit siya nagpakawala ng sleeping gas dahil aniya, para raw may thrill. Hindi ko lang lubos akalain na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on si Cannon do'n.
Tumawa ako nang mahina at muling napako ang mga ko sa libro. "Tungkol ba 'to sa sleeping gas?" I asked him then laugh suddenly. "Naipaliwanag na sa atin 'di ba?" Dagdag ko pa.
"Hindi." Sagot niya.
Muli akong tumingin sa kaniya pero nakatingin pa rin ang mga mata sa libro. "What do you mean?" I asked curiously.
He looks serious. He suddenly took a deep breathe then spoke. "If he needs a thrill, bakit kailangan niya ng gano'n? Why he need that? Why he did that? And at the first place anong mapapala niya sa pagkakatulog natin? Unless..."
Hindi na naituloy ang sasabihin ni Cannon nang nagmamadaling pumasok sa amin sina Tyler, Axana, Morgan, Cyrein, Klint, Kameron at Lawson Napatayo kami at napatingin ako kay Cyrein dahil hindi maipinta ang mukha nito.
"What happened?" Kunot-noo kong tanong. Ang mga postura nila ay animo'y nabigla at takot na takot.
Hindi na makahinga si Morgan kaya kinuha niya ang libro sa table at ipinaypay sa kaniya at umupo. Tiningnan ko si Lawson nang may pagtatanong.
"Ms. Santos." Aniya.
"Ms. Santos? Class II Mathematics lecturer?" Pagkokompirma ni Cannon. Lawson nodded quickly.
If Ms. Lucy Santos is what he's talking about, she's my Mathematics lecturer. And what's wrong with them and there seems to be something with Ms. Santos?
"What's with her?" Hindi ko mapakaling tanong.
Sasagot na sana si Lawson nang magsipagtakbuhan ang mga estudyante sa corridor at tinutumbok ang dereksyon namin. Ang ilan nama'y tumatakbo papunta sa iba't ibang dereksyon ng SMH. They run as if someone is chasing them. Mabilis kaming pumunta sa bintana ng library at sila'y tiningnan.