Rivalry 04

10 3 24
                                    

Rivalry 04: Envy.

Klint's POV


Halos matumba ako sa lakas ng pagsagi sa akin ng mga estudyante na nagtatakbuhan pababa ng hagdan. Napamura ako nang mapasandal ako sa gilid dahil sa pagtulak ng kung sino man.

Tumingala ako sa taas at mabilis kong iginilid ang mga estudyanteng humaharang sa aking dinadaanan. Nakarating ako sa huling palapag at bumungad sa akin ang babaeng nagwawala at may hawak na patalim. Ang mga guro ay nasa gilid lang ng hallway na natatakot umawat sa babae.

Naglakad pa ako ng bahagya papunta sa dereksyon niya. Napaatras ako nang mapansin niya ako at lumingon ito sa akin gamit ang nanlilisik niyang mga mata. Mabilis kong itinaas ang dalawa kong kamay hudyat na hindi ako lalaban. Tinutukan niya ako ng patalim na nagpabara pa lalo sa aking lalamunan.

Katapusan ko na!

Ano kayang problema ng isang ito?

Bakit siya nagkakaganiyan?

Habang nakataas ang aking mga kamay at naghihintay kung kailan niya ako aatakihin ay nahagip ng aking paningin si Mr. Chavez na galing sa loob ng room namin. Napansin ko ang mga dugo sa kanyang leeg at uniporme. Mabilis siyang dinaluhan ng mga kapwa niya guro at ng ilang estudyante.

Napapikit ako nang maramdaman kong nasa likod ko na ito kasabay ng pag-init ng batok ko na sa palagay ko'y bumabaon na ng unti-unti ang dulo ng patalim niya. Muli akong namulat at may kung anong basang likido akong naramdaman na bumabagsak mula sa aking batok.

"Why are you doing this?" Matapang kong tanong. Nangilid ang kalamnan ko habang dahan-dahan niyang ipinapahid ang dugo ko sa aking pisngi. Pumuwesto ulit siya sa harapan ko at ipinantay ang mga mata.

"What do you think?" Mataray niyang tanong. Ibinaba na niya ang patalim sa tagiliran niya at itinaas ang dalawang kilay. May pagkislap sa kanyang mga mata. Batid kong may nasa likod ng nakakatakot niyang presensya. May dahilan ang lahat ng ginagawa niya.

"Aalis ka sa dinadaanan ko o tutuluyan kita?" Pagtatanong niya na ikinaatras ng mga paa ko

"Y-you don't have to do this, binibini. Kung may problema ka, 'wag mong idaan sa ganito. May nasasaktan kang tao. Madami kang naaapektuhan." Pagpapakalma ko na nagpabago ng emosyon ng kanyang mukha.

"Madaming paraan upang maglabas ng galit at sama ng loob, pero 'wag sa ganitong paraan. Look what you've do–"

"At anong alam mo? Anong alam mo!" Pagputol niya sa sasabihin ko. Malakas ang pagsigaw niyang iyon. Madaming pumapasok sa isip ko sa sandaling baka bigla niya na lang akong saksakin kaya pabalik-balik ang mata ko sa patalim.

"You know nothing! Mr. Klint Suarez! But you know how I feel right now! You must understand me because we are both fools!"  Paghihimutok niya. Kita ko ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"You don't know how much I try to study so that other people can praise me but why are they still like that? Why is it that no matter how much I study, other people still outnumber me! Bakit ako nahahadlangan?!" Dagdag nito at tumalikod sa akin at humarap kay Mr. Chavez na inaalalayan ng ilan. Nagtakbuhan ang ilang guro at estudyante. Naiwang nakatayo sa kanyang puwesto si Mr. Chavez.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now