Rivalry 24

13 0 0
                                    

Rivalry 24: Second Rivalry.

Klint's POV


Paano ko ba ito ipapaliwanag sa mga magulang ni Vhia? Kung ako nga ay nagulat sa biglaang pagkamatay niya, ano pa kaya sila? Wala akong nagawa. Wala man lang akong nagawa para protektahan siya kahit na hindi kami ganoon ka-close sa isa't-isa. Kahit na binubuking niya lagi ako sa mga magulang ko sa aking mga kalokohan, she still my cousin.

Hindi ko lubusin akalaing aabot ito sa ganito. Sa dami ng mga estudyante ng SMH, bakit ang pinsan ko pa? Bakit kailangang may mamatay? Bakit kailangang may buhay na kapalit sa pagkatalo sa tunggalian? Bakit?!

"I'm sorry. We're very sorry." Mahinang sambit ni Kameron.

Hindi ko alam kung bakit niya pang humingi ng tawad. Hindi ko siya sisihin dahil alam kong hindi niya rin ito ginusto. Kitang-kita ko sa mga mata ko kung gaano ka-determinadong manalo ang kampo nila kanina. Ginawa niya ang makakaya niya.

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa bangkay ng pinsan ko na binabalot sa puting tela ng mga admins. "Maybe that's what a game is really like, someone wins and someone loses. No matter how determined you are if destiny itself decides for you, nothing." Tugon ko.

No one spoke after I said that. The sun had set completely. Its sinking has a replacement deluge. When it rises, another danger looms. What is really going on here at this school?

Blaise's POV

Kinabukasan, panibagong hamon na naman ang aming susuungin. Nagtagumpay man kahapon ang SLH, sinisigurado kong kami naman ngayon ang mananalo. Hindi na kami papayag na may sumunod pa kay Vhia. No one.

Lahat kami ngayon ay ipinatawag ng secretary ng Ministry. And as usual, sa lumang gymnasium na naman ang location. Bakit ba laging dito ang lokasyon? Ano bang mayroon sa lugar na ito? Tss, kung ano mang rason ni Ministry kung bakit niya paborito ang lugar na ito, wala akong pakialam.

Lahat ay natahimik nang pumunta sa gitna si Mr. Zen Villanueva at may ibinigay sa kaniya si secretary Kim—kanang kamay ng Ministry. Tumapat si Mr. Villanueva sa mikropono. Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago magsalita.

"Lahat ay nagulantang, lahat ay kinabahan, lahat ay may kaniya-kaniyang nararamdaman. May naunang namatay, may matitira pa bang buhay? Lahat ay nakasubsob sa misteryosong tunggalian, saan 'to patutungo? Ang mga naganap ay pawang patikim pa lamang. Kaya isang hamon ang sa inyo ay ibinigay, misteryosong pangyayari ay kailangang maresulba. Kailangang masolusyunan. Kailangang malaman. Kailangang punitin ang papel ng kalituhan sa katotohanan at ituwid ang kamalian sa kasarimlan. Isang babae, siya'y nagpatiwakal? Paaralan ng mayayaman, doon natagpuan. Ang katanungan, ano ang sanhi ng kaniyang kamatayan? Siya'y nagpatiwakal? Wala bang nagmamahal? Ang makakatuklas sa misteryosong nangyari ang magwawagi. Bawat tamang kasagutan ay may panagutan. Bawat tamang detalye na bibigkasin ay dadagdag sa puntos upang makalamang. Unang makakuha ng numerong sagot sa pinagsamang tatlo at dalawa, ang aangat sa kabilang banda at may isang buhay na mapapatumba. Ngayong araw rin ay ating sisimulan. May limang taga-represinta para sa bandera at ang matitira ay mag-aabang lamang. May isang buhay na maiisalba kung lahay kayo ay magkakaisa. Ngayon, sisimulan na!" Mahaba niyang pagbabasa sa nakasulat sa papel.

Hindi ko alam pero wala ni isa sa amin ang nakapag-react man lang. May reaksyon kami sa aming kalooban pero hindi namin mailabas dahil sa tindi ng kaba? Oo sobrang kaba. Hindi lang dahil sa mga salitang binasa kanina kung 'di dahil sa mga nakaka-pressure na gamit sa kapaligiran.

May malaking screen na hindi ko matukoy kung para saan pero may naka-flash sa magkabilang gilid na logo ng magkabilang paaralan.

"Scoring board screen?" Pagkompirma ni Cyrein. Napatango ako. Para sa scoring ang isang iyon?

Dark RivalryWhere stories live. Discover now