Rivalry 21

6 1 0
                                    

Rivalry 21: Vial.

Blaise's POV

"Mom! Dad!" Pagsusumigaw ko. Halos kapusin na rin ako ng hininga dahil doon.

Nagpupumilit na pumunta sa dereksyon ko ang aking mga magulang. Halos lahat ng magulang ay naririto sa labas para sagipin ang kanilang mga anak. Sino kaya ang nagbabala sa kanila at sila'y napasugod dito?

Wala na akong ibang nagawa kung 'di ang panoorin ang tuluyang pagsasara ng malaking harang sa kabuuan ng SMH. Kung anong dahilan ng mga ganitong kaganapan? Ay hindi ko alam.

Matapos suntukin ni Lawson ang bakal ay nagyakapan kaming lahat. This is not the time for us to give up and let us be toyed with by people who have evil intentions against us.

Ilang minuto pa ay dumeretso kami sa aming dorm. Bawat nadadadaan namin bago makapunta sa dorm ay puro hagulgulan ang aming naririnig. Mabilis kong ini-lock ang pintuan ng dorm nang makapasok na kami.

Matamlay kaming napaupo sa mini sala set ng dormitoryong ito. Bakas sa mga mukha namin ang iba't ibang emosyong nararamdaman. Nilamon kami nang katahimikan kaya tumikhim si Kameron.

"What's our plan?" Tanong ni Kameron.

Napailing ako. No plan enters my brain. What else should we do? We are prisoners of the new Ministry. The only thing we can do is follow what they tell us to do so that we can be saved.

Napalingon kami kay Axana nang bumuntong-hininga ito nang malakas. Katabi niya si Morgan at Cyrein na nagulat sa ipinamalas ni Axana.

"Naaalala niyo pa ba 'yung matandang lalaki?" Nambibilog niyang mga mata. She took a deep breathe again before she continue. "Mukhang ito na 'yung sinasabi niya. Ito na 'yon. Dapat noong una palang ay umalis na tayo bago pa mangyari 'yung sinasabi niya!" Tumaas ang tono niya sa huling salitang kaniyang binitawan.

"Axana, malay ba natin na baliw lang talaga ang matandang 'yon 'tapos nagkataong nangyari ang lahat ng 'to." Natatawang tugon ni Cannon. Himalang wala siyang librong hawak ngayon. Nasa isang solo sofa siya nakaupo.

"Hindi siya baliw! Hindi niyo napansing seryosong-seryoso siya that time? At ang mga oras na 'yon, pagkakataon na sana natin 'yon para umalis sa pesteng paaralan na 'to!" Sigaw ni Axana. Naalarma naman kami dahil sa pagsigaw niya.

"Axana." Pagpapatigil ko dahil sisigaw pa sana ito.

"There's nothing more we can do." Tangi kong nasambit saka ako pumunta sa mini shelves sa kuwarto namin. Kailangan naming pag-aralan ang mga pangyayari noon dito sa SMH. Hindi ako sigurado sa nilalaman ng librong matagal ko ng tinago pero may pakiramdam akong may malaki 'yung koneksyon sa mga nangyayari.

Matapos kasing itapon 'yon ni Headmaster noon sa malaking hukay sa likod ng SMH ay kinuha ko. Hindi ko rin alam kung anong rason ko kung bakit ko 'yon kinuha dati. Siguro dahil para dito, para mas malinawan kami.

"Here." Itinaas ko ang lumang libro na may plain black cover na kinuha ko sa mini shelves.

Nagulat si Cannon nang makita 'yon. Inilapag ko 'yon sa table at muling umupo sa tabi ni Tyler. Tumayo si Cannon at tiningnan ang libro na animo'y sinisiyasat. Does he know about this book? I still haven't opened it since then so maybe it's time for that.

"Saan galing 'to?" Pagtataka ni Cannon. Napako nang ilang sandali ang mga mata niya sa libro at muling sumilay sa akin.

"May tinatago ka palang ganiyang libro, Blaise? Tss cheap!" Pang-aasar naman ni Kameron. Sinenyasan naman siyang tumahimik ni Morgan kaya napaikom ang bibig nito.

Dark RivalryWhere stories live. Discover now