Rivalry 28

16 1 0
                                    

Rivalry 28: Lhadea.

Cyrein's POV


"Bakit mo niyo ginawa? Paano kung mapahamak kayo? At paano kayo nakatakas doon?" Dere-deretso kong tanong sa mga kaibigan ko.  Akala ko talaga may ibang dumukot sa amin. Mga kaibigan ko lang din pala. Dinala nila kami sa isang stock room ng SMH malayo sa gym.

Napabuntong hininga si Morgan bago magsalita. "Kung hindi namin ito ginawa baka napahamak pa kayo. Nakaalis naman kami doon nang walang kahirap-hirap and besides naka-focus silang lahat kay Xhyciene." Paliwanag niya.

Biglang bumalik sa ala-ala ko ang sinapit ng anak ng Headmistress kanina. Hindi makatarungan. May pangarap silang sinira. May buhay silang kinuha. Piliin man naming huwag na makapuntos, buhay naman ng SMH ang manganganib. There is no escape.

"I don't know how they can do that to a student. They are literally a murderer. Wala silang kaluluwa!" Sabat naman ni Kameron. Nakasandal siya sa pader. Si Morgan at Axana ay nakaupo sa tapat namin nina Lawson at Cannon. Si Klint at Tyler naman ay tahimik lang sa gilid habang nakamasid sa labas ng bintana.

"Nakita ko si Blaise kanina, we need to make a plan. Kailangan na nating mag-imbestiga." Garalgal na boses ni Axana. Bakas sa mukha niya ang takot na nadarama. Lahat naman kami. Blaise entered my mind. How is he doing? Where is he now? Hopefully he will do his best for the sake of SMH’s life.

Biglang parang natataranta si Lawson. Kinapa-kapa niya ang kaniyang bulsa. Tumayo siya at bakas sa mukha niya ang pagnanais na makapa ang bagay na nasa bulsa niya. Kumunot ang noo namin.

"What's wrong?" Pagtataka ni Morgan. Natigilan si Lawson. Naglakad siya kina Tyler at Klint at sumilip-silip siya sa bintana.

"Bakit Lawson?" Nagtataka na ako. Bumalik siya sa amin at tinitigan kami isa-isa.

"Hindi ko alam kung anong meron sa camera na iyon pero malakas ang pakiramdam kong isa iyong sangkap sa aking iimbestigahan." Ani Lawson.

"Camera? Anong sinasabi mo?" Morgan laughed a little at her question.

"I saw it in a trash can. I remember it was in my bag that was in our dorm. I'm going to investigate it while finding some details about that Ms. Gomez." Paliwanag ni Lawson. Magsasalita sana ako nang bigla siyang lumabas sa stock room at tumakbo.

Nagulantang kami nang may mabibilis na katok sa pinto. Agad namang binuksan iyon ni Klint na nag-aakalang si Lawson lang iyon na bumalik, pero hindi. Isang pamilyar na babae at lalaki ang bumulaga.

If I'm not mistaken, sila si Lhadea at Koshikori? Nasa Ministry's list din sila pero hindi sila kasama sa paghahagilap ng detalye patungkol kay Ms. Gomez.

"Isara niyo ang pinto!" Sigaw ni Koshikori nang makapasok na sila. Nagtaka naman sina Tyler at Klint. Wala na silang nagawa kundi ang isara iyon. Isinara pa ni Lhadea ang mga mailan-ilang salamin na bintana at saka siya sumenyas sa amin na magtago sa mga upuan na sira.

Morgan's eyebrows rose as our companions hid. Axana and I dragged her but she really didn't want to. She thinks Lhadea and Koshi are crazy and just pretending. But with what is happening now? Is anyone joking, it's so serious every time!

"Morgan." Bulong ko. Madiin iyon. May mabibigat na yabag ang aming naririnig kaya nagpadala na si Morgan sa amin ni Axana. There was an alternating shadow in the closed windows so the three of us went there and leaned under the window.

We had voices heard from outside. Napalingon ako sa mga upuang pinagpatong-patong. Nasa likod nun si Lhadea at Koshi na sumesenyas na huwag maingay. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming magtago. Tumakas din ba sila sa gym? May mangyayari ba sa amin kapag mahuli nila kami?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dark RivalryWhere stories live. Discover now