Rivalry 02: Trouble.Lawson's POV
Intensyon ko talaga 'yun. Intensyon kong takutin ang mga ibang estudyante para sa amin ang huling palapag ng Dorm ng St. Maximus. Actually, tatlong building lang ang nagawa na may limang palapag. 'Yun lang ang nakaya ng pera ko, ng pera namin. Pera ng Maximus.
Humiwalay ako ng landas sa aking mga kaibigan. Tumungo ako sa likod ng entablado kung saan ay naroroon si Mr. Samir Moore—St. Maximus' Headmaster. Tumingin ako kay Sir. Zen nang may pagtatanong kung nasaan si Mr. Samir.
Ngumuso ito sa Meeting Room, sa baba ng likod ng entablado. Kumatok ako nang tatlong beses. "Come in." Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto at bumungad sa'kin ang matataas na opisyales sa St. Maximus at sa St. Leighton. I kindly bowed to them and sat in the SSG President's chair opposite the SSG president of St. Leighton.
I suddenly took a glimpse on him but he rolled his eyes. Itinaas nito ang paa sa mesa. Walang nagulat. Lahat ay sanay na sa pag-uugali ng Kaleb na 'to. Umiwas na ako ng mata at inilipat ko sa taong pumasok at dumeretso sa Headmistress ng St. Leighton. Bumulong ito at saka tumabi.
Ngayon lang nagkaroon ng seryosong pagpupulong ngayon. At ang dahilan nito ay hindi ko alam. Walang nagsasalita. May hinihintay pa siguro kami upang simulan ang pagpupulong na ito bago mag-umpisa ang pagseremonya sa pagitan ng dalawang magkaibang paaralan.
"I'm wasting my time here." Madiing tono ni Kaleb at padabog na tumayo. Walang nagulat. Napailing ang ibang taga-St. Leighton. Pagpihit ng pinto nito ay kasabay ng pagpasok ng isang hindi pamilyar na lalaki.Sandali itong tumitig dito at mabilis ding umalis.
"Ms. Salvador, Mr. Moore. I'm glad to meet you two. Unfortunately, Mr. Duckstein will not come so can we adjourn this meeting?" Nakatayo pa rin ito sa tapat ng pinto. Bahagya akong sumilay kay Mr. Samir na napakunot ang noo. Tumayo at madiing humawak sa mesa.
Umiling ito at deretsyong tumingin sa lalaki. "And what about the students there waiting to us?" Madiing tanong nito.
"Calm down." Mungkahi ni Ms. Cataleya. St. Leighton's Headmistress. Magkatapat sila ng upuan. Kumbaga pahaba ang lamesang ito at sila ang nakaupo sa magkabilang dulo.
"I'm sorry. I need to go." Umalis ang lalaki at pabagsak na umupo si Mr. Samir. Nagkatinginan sila ni Ms. Salvador. They're looking at each other with doubt.
"So, may I go?" Nakangising tanong ni Cyrein— Senior SSG Representative of St. Maximus. Inilagay niya sa likod ang takas na buhok at tumayo nakahawak ito sa handbag niya nang bumuntong hininga ang Headmaster ng St. Maximus.
"Mr. Samir Moore. Did you hear me? 'Di joke lang po." Tumawa ang ilang kasama namin dito. "What's now?" Nakangising tanong nito.
"Cyrein Dion." Madiing wika ko. Katabi ko lang kasi. Kita ko ang nakangiwing Senior SSG Representative ng St. Leighton— Zwendior Sanchez. Cyrein saw her because they were facing each other so I immediately grabbed her hand so I could quickly anticipate its possible reaction.
I also got up. "Mr. Moore and Ms. Salvador, excuse us." I politely bowed and pulled Cyrein so we could get out pero bago pa man ako makahawak sa door knob ay tumikhim si Ms. Cataleya na ikinalingon namin.
She looked sharply at Mr. Samir. "How do you explain this to students?"
"Ms. Salvador. Kaya itong solusyunan ng President Student ko, at ng President Student mo, siya nga ba?" Nakangiwing tanong nito. Kita ko ang pagsilay ng ilan sa akin. Tumayo si Ms. Salvador.