She’s staring at the window. She’s like memorizing the outside view, I can’t read her mind that’s why I wonder what she’s thinking right now.
Lumapit ako at niyakap siya mula sa kanyang likuran, napalingon siya saakin. Sa sobrang pagkatulala niya sa bintana ay ngayon palang niya ako napansin.
“I’m nervous, Alec…” she told me.
Ako rin. Gusto kong sabihin pero ayaw kong malaman niya, ayaw kong makita niya na nanginginig na ako sa takot sa anumang pwedeng mangyari.
Hindi ako kumibo at hinigpitan nalang ang pagkakayakap sakanya. Hinawakan niya ang bisig kong nakakubli sakanya.
“…and happy. I am very happy and also excited.” She said and then she smiled. Nakita ko mula sa reflection naming dalawa sa salaming bintana.
I sighed. I’ll only be happy if she’s right here with me.
“Aren’t you excited?” she asked. Lumingon pa ng bahagya saakin.
“I only want you.” I honestly said.
Sabi ng doctor isa lang ang maaaring makasurvive sakanila ng sanggol due to Awie’s condition and some other complication that occurs during her pregnancy.
Awie was already decided. She chose the child over herself, our child. Gusto ko namang magkaanak sakanya, bumuo kami ng pamilya pero kung ganito ang kakalabasan maaari bang si Awie nalang ang manatili?
“I’ll be gone no matter what, Alec… you know that.” Sabi niya. I sighed again. Pwede pa naman kaming umasa pa.
50:50 daw ang chance kung magpapasurgery siya after terminating the child, at panghahawakan ko talaga ang 50% na iyon kung papayag lang si Awie na siya ang mabuhay kaysa sa anak namin.
“Alec… I never felt so happy when I knew about our child, can’t you see? She made me believe in heaven, she gave me the happiness I was longing for so long. She’s an Angel, our Angel.” Malumanay niyang sinabi, tila ba kinukumbinsi ako.
“But you are my angel, without you there’s no heaven for me. I don’t know how I will live my life without.” I seriously said. I tried my best not to cry.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at hinarap ako. She held my hands and looked at me.
“You’ll love again. You will love our child, you will love Angie-”
“We’re not talking about this again.” I cut her off, humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“I want you to love again. I want you to continue your life the way it is before you met me. And I can only trust my loved ones to Angie.” Disidido niyang sinabi. Umiling ako.
“I can’t believe she agreed with this! She’s being selfish!”
“She’s being selfless, she understands me and sacrifice herself for me… pwede naman siyang lumayo at pabayaan kami ng anak ko but she did not. She loves me and I know she still loves you.”
“I only love you.”
“Pero hindi na ako magtatagal…” halos pumiyok siya, yumuko siya at alam kong umiiyak na siya.
“Kahit ano pang sabihin mo, kahit ipilit mo pa yang gusto mo hindi mo na mababago… ikaw lang talaga ang gusto ko.” hinarap ko siya saakin at hinawakan ko ang kanyang mga pisngi.
“Then do it for me! Ikaw ang nagiging selfish, anak mo rin naman ito Alec… let her live, give all the love she deserves!” agad ko siyang hinatak upang mayakap nung tumaas ang kanyang boses, she can’t be stressed.
“I’m sorry.” Bulong ko. Umiiyak lang siya at hindi kumikibo, ni hindi sinuklian ang mga yakap ko.
“Please stop crying, baby… I’m sorry.” Ulit ko pa.
“Promise me, Alec… you’ll love again, you’ll love our child.” She said while sobbing.
I sighed. Bahala na, the most important thing for me right now is her being okay and not stressed.
“I promise.” I said.
“Happiness or Angel, I want you to name her that.” Narinig kong sinabi ni Awie kay Angie. Napabaling ako sakanila.
Angie was sitting beside her Ate, sinusuklayan niya ang kanyang nakakatandang kapatid at nakita kong natigilan siya nung biglang sabihin ni Awie iyon.
“Pwede ring Nessa? Angel Nessa? What do you think?” nilingon siya ni Awie dahil hindi siya sumasagot sa sinasabi nito.
Tipid na ngiti ang ginawad ni Angie sa kapatid bago tumango.
“That would be great.” Mahinang sambit ni Angie.
Napailing ako. how could she said that? Tinatanggap niya nalang na mawawala ang kapatid niya, na pagkawala nito ay magpapakasal kami at aakuin niya ang bata? She’s selfish. Mahal na mahal niya ba ako para tanggapin nalang ang sinasabi ni Awie sakanya?
Ayaw kong maging arogante, pero iyon lang ang naiisip ko kaya sumasang-ayon nalang siya sa sinasabi ng kapatid niya.
Tumayo ako mula sa sofa di kalayuan sa kama ni Awie. I don’t want to leave Awie but I can’t stand seeing Angie with her. Lumabas ako ng silid, ayaw ko nang marinig ang ganoong usapan.
Nagpunta ako sa vendo machine, malapit sa nurse's station at di kalayuan sa silid ni Awie. I bought coffee and decided to just sit on the bench near the vendo.
Habang sumisimsim sa kape, hindi ko maiwasang mag-isip sa maaaring mangyari.
Anytime this week Awie will give birth. Ayaw ko mang isipin pero maaaring iyon na rin ang huling sandali niya. Hindi, naniniwala akong mabubuhay siya pagkatapos niyang magsilang at kaming dalawa ang bubuo ng pamilya.
“Alec!” agad akong napatayo at nawala sa iniisip nung bigla kong marinig ang pasigaw na pagtawag ni Angie saakin.
Her hands were shaking, at nanginginig din ang mga labi niya habang nakatingin saakin habang papalapit ako sakanya. She’s standing right in front of Awie’s room.
“What happened?!” marahas kong tanong. Sasagot na sana siya pero nilampasan ko siya at pumasok sa kwarto.
Napatigil ako sandali nung makita ko si Awie. She’s pale, her lips were almost white… and her legs, there’s water, flowing.
“Nurse! Nurse!” doon lang ako nakagalaw muli, nung marinig ko ang natatarantang tinig ni Angie habang nagtatawag ng nurse.
Nilapitan ko si Awie at niyakap siya.
“A-alec…”
“Shh, relax.” Sabi ko. Kahit ako mismo ay hindi relaxed dahil sa sobrang kaba.
Sobrang kaba! Sobrang natatakot. What if this is the last time that I’ll be able to hug her?
“Alec…” sabi niya ulit.
“Baby, please… relax.”
Napatingin ako sa pinto at sunod-sunod nagsipasok ang mga nurse. Tita Siera was also near the door, dala-dala ang lunch namin na binili niya sa labas. Natataranta si Tita at hindi mapakali, hindi malaman kung lalapit ba kay Awie o pababayaan ang mga nurses nalang ang lumapit sa anak.
“Excuse me, sir.” one of the nurse told me, pinapaalis ako sa pagkakayakap kay Awie.
But I don’t want to let go. I still want to hug her.
Pero alam ko namang kailangang matingnan siya, dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayakap.
And before I finally let go of her…
“Love… love again, A-alec…” I heard Awie whispered.
Sa hindi ko malamang dahilan, that made me cry.