I woke up at night. Napabalikwas pa ako dahil si Angie ang nakita kong naglalakad sa kwarto at mukhang galing sa CR, kumuha na ng damit ngayon sa cabinet tapos ay bumalik sa CR para magbihis.
Tiningnan ko ang sarili ko, good thing that I am wearing my boxers now.
Where's Awie? Anong oras na ba?
Napaayos ako ng pagkakaupo sa kama nung marinig kong bumukas na ulit ang pinto ng CR.
Nagkatinginan kami ni Angie, ako ang unang umiwas ng tingin. Parang sumakit bigla ang ulo ko.
Napasapo ako saaking noo. Why did we do that again? Why am I suddenly eating my own words when it comes to Awie?
I told myself not to think about her again after our first meeting, pero sino nga bang niloloko ko? Kaya nga ako nagpapakasasa sa trabaho dahil hindi ko talaga mabaon sa limot.
Tapos nung makita ko siya ulit nakalimutan ko na agad na nandito rin si Angie. I was fucking betraying her! We even did it here inside our suite!
"A-are you okay?" Angie asked.
Napatingin ako sakanya, umiwas siya ng tingin at inayos sa laundry bag ang damit na suot niya kanina.
"Fine. N-nahanap mo ba ang kapatid mo?"
Napatingin siya ulit saakin.
"Yeah." Maliit ang kanyang boses.
Inilapag niya na ang laundry bag tapos ay naupo sa vanity chair malapit sa cabinet.
Pagkaupo niya ay tinakpan niya agad ang kanyang mukha at umiyak.
Automatic akong napatayo dahil doon, pansamantalang isinantabi muna ang kakaisip kay Awie at kung nasaan na kaya siya ngayon.
I tried to hold her but I can't... di ko siya kayang hawakan knowing na I was touching someone else hours ago.
"I'm sorry, Alec. I was the selfish one... dinamay pa kita sa frustrations ko, dinamay pa kita sa kakahanap kay Ate." She cried. Nakatakip parin ang dalawang kamay sakanyang mukha.
"It's okay..." pilit kong hinawakan ang kanyang likod at hinagod iyon para aluin siya.
What if Awie would also feel this way tapos may ibang lalaking umaalo sakanya ng ganito? Napaangat ako bigla sa kamay ko, I can't even think about someone touching Awie tapos humahawak ako sa likod ni Angie?
But Angie is my fiancée, I should comfort her... right?Hinarap ako ni Angie, her eyes were wet from crying.
"Sumuko na akong hanapin siya, I went back here then I saw her at the hotel's restaurant." Angie said. Napaawang ang bibig ko.
Her sister was just here all along?!
"She's living here?"
"No." umiling si Angie. "She said that she just visited her friend... kaya nung pumunta ako sa loft niya kanina ay wala siya." medyo kumakalma na si Angie.
"I'm happy that finally you already saw her." I told her. Dahil alam ko naman na sobrang naglolong na siya sa presensya ng kapatid niya.
Humikbi nanaman si Angie.
"S-She doesn't want to see me again..." umiyak nanaman ito.
Her sister is really crazy for sure. Walang matinong kapatid ang magsasabi ng ganyan sa nakakabata niyang kapatid.
"S-sabi niya... ever since dad told her na hindi na siya parte ng pamilya ay kinalimutan niya na rin daw kahit ako." lalong naiyak si Angie. Hindi ko alam kung paano siya aaluin.