We own an oil companies, we have a company here in the Philippines and also in Middle East where we mostly get our supply.
Ang pamilya naman nila Angie ay ang namumuno sa Petrone Corporation, ang nangungunang oil refining and marketing company sa bansa.
Para kaming ginawa para mabuo ang pinaka malaking oil company lalo na kapag nagmerge na ang aming businesses. Thinking about it excites me, doing our business is my passion kaya handa rin ako sa kahit ano basta para dito.
Our engagement made a loud noise nationwide, lahat ata ay naging interesado lalo na’t kilala naman talaga ang pangalan ng aming angkan bilang business tycoons. Wala naman akong pinagsisisihan sa naging disisyon ng aming mga magulang dahil wala namang problema saamin ni Angie and gusto ko rin naman siya.
Pagkatapos ng engagement ay tumulak pa-Middle East si Dad para sa business. Habang nagfofocus saaking graduating year, mangunguna rin ako sa pagpapatakbo ng aming negosyo dito bilang pansamantalang kapalit ni Dad.
“Naninibago talaga akong araw-araw na kitang nakikita…” Angie said, we’re eating our lunch in our university cafeteria. Ngayong college na ito ay sa kaparehas na paaralan na kaming pumapasok.
“You’re so lucky to see my handsome face every day though.” I joked.
Pinanliitan ako nito ng mata at halatang nagpipigil ng ngiti sa sinabi ko.
“Really ba? Feeling ko nga ang malas ko eh, iniisip ko nalang na huling taon mo naman na kaya magtitiis nalang ako.” biro niya saakin, siya naman ang pinagliitan ko ng mata. Lalo itong natawa saakin.
“Oh, by the way… I think I need to go,” sambit ni Angie nung napagtantong mag-a-ala una na. Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa pisngi, hindi naman ako nailang dahil nakagawian na namin iyon.
“See you later.” I told her, simula kasi nung mag-college siya ay ako na ang naghahatid sakanya pauwi at sumusundo sakanya papasok ng school.
I sighed when she left, I don’t know but suddenly I felt bored. Siguro ay dahil wala na si Angie at wala na akong kakulitan. I just shrugged and prepared my things for my next class.
“You can’t go? Bro isang beses lang ako sa isang taon mag birthday, pagbigyan mo naman ako!” kantyaw ni Ramel saakin, Ramel is my best friend since Elementary actually we’re four in our circle.
“Ihahatid ko pa si Anj pauwi, for sure I’ll stay in their house for dinner.” I shrugged.
“Baka naman pwede ka naming hiramin muna kay Angie Romero?” Ken, one of my best buddies said.
“Pwede pero ako na mismo ang aayaw. You know, priorities.” I simply said. Nasa classroom lang kaming tatlo, tapos na ang klase pero nag-stay pa muna kami. Hinihintay ko rin kasi ang dismissal nila Angie.
“Sa dating ni Kino baka iditch mo rin kami ha!” Paratang ni Ramel. Kino is the other buddy, as I’ve said we’re four.
Napaisip ako, sa America nag-college si Kino at mas naunang nakagraduate saamin dahil trisemester sa pinasukan nitong college. It’s been almost 4 years when the last time we were complete, gagawan ko nalang ng paraan makasama lang sa pinaplano nilang reunion.
“I’ll go, isasama ko nalang siguro si Anj no’n.” I told them.
“Edi isama mo nalang si Anj ngayon.” Sambit ni Ken. Umiling ako.
“Biglaan, Bro. At baka rin may pasok siya bukas…” dahilan ko.
Sa huli ay hindi talaga ako nakasama sa party na inihanda ni Ken sa isang VIP club sa BGC. I know that party would be fun, but I don’t want to disappoint Angie lalo na’t nangako akong ihahatid ko siya pauwi.