06

8 0 0
                                    

Summer before Angie's last year in college, we went in Paris. Para saakin bakasyon lang pero kay Angie ay para mahanap niya ang kapatid niya.

"You don't really know where she lives?" I asked again.

Marami na kaming napuntahan na mga kakilala ng kapatid niya but then hindi daw alam kung saan tumutuloy ang kapatid ni Angie or minsan feeling ko hindi lang talaga sinasabi sakanya.

Hindi na nga kami masyadong nakapamasyal dahil ilang araw na ang natuon namin sa kakahanap sa kapatid niya.

"I told you, I don't. Since she left America hindi na niya ako pinapansin!" medyo naiirita na si Angie.

Ako rin ay medyo naiirita na. 5 days lang kami dito, tatlong araw na kaming nakikipagtagu-taguan sa kapatid niya.

Sa mga lumipas na buwan ay hindi na kami nagkikita masiyado ni Angie, maliban nalang kung may mga importanteng okasyon. For some reason mas naging abala ako sa trabaho kesa sa ibang bagay.

"I think if she wants to show up hindi na natin kailangang maghanap. Sabi mo nasabi mo naman na pupunta tayo dito, diba?"

Hindi makapaniwalang tumingin saakin si Angie, nahinto siya sa kakalakad kaya nahinto rin ako. Nasa sidewalk kaming dalawa at papunta sa kung saan possible daw na nandoon ang kapatid niya.

"What are you trying to imply? Na ayaw niya talagang magpakita-"

"Yes!" I cut her off. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko. Nainis lang ako na pinagtaasan niya rin ako ng boses.

Malakas na nagpakawala ng hininga si Angie.

"If you don't want to go with me then fucking go somewhere else! Napaka selfish mo!" singhal niya.

Ako naman ang napatingin sakanya ng hindi makapaniwala.

I never saw her acting like this. Angie was always soft.

Ang pinaka hindi ko matanggap ay tawagin niya akong selfish!

Tatlong araw ko na siyang sinusundan at sinusunod diyan sa kakahanap niya sa kapatid niya na actually hindi naman nawawala, at halatang nagtatago. I don't really care about their family issues pero hindi ba't siya na ang nagiging selfish? She's wasting our time for this, really!

"Fine." Bulong ko, alam kong narinig niya dahil bayolente nanaman itong nagpakawala ng hininga.

"Fine!" she shouted then walked away.

Tumalikod na rin ako at naglakad patungo sa kabilang direksiyon. I can't believe her! Minsan na nga lang kaming magkasama. Ginusto ko rin talaga ang bakasyon na ito dahil drained na ako sa kakatrabaho tapos ganito pa.

Napahinto ako sa paglalakad. My dad's disappointed image crossed my mind. Shit! Naglakad ulit ako kung saan nagwalked out si Angie kanina.

Kapag nalaman ni Daddy na pinabayaan ko siya ay siguradong lagot ako.

But I can't see her anymore, mabuti nalang at medyo naalala ko ang address na pupuntahan namin kaya nagtanong-tanong ako kung paano pumunta doon.

Nung matanaw ko ang street sign kung saan ang posibleng kinaroroonan ng kapatid ni Angie ay napahinto muna ako sa kakalakad-takbo, hiningal kasi ako.

May convenient store sa corner lot kaya tumungo muna ako doon para bumili ng tubig.

I was sipping on my water while going outside the store when...

"Damn!" I hissed when someone bumped to me nung makalabas ako ng pinto. Hindi ko napansin ito dahil hindi naman kita mula sa glassdoor ang mga naglalakad sa kaliwang parte ng corner lot, mas malapit kasi ang exit sa kanang bahagi ng corner lot.

No HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon