I am staying in a hotel. Ang alam ng Mommy ko ay kasama ko doon si Alec, pero simula nung dumating kami ng Amerika ay halos sa hospital na rin ito namamalagi.
Every time na pupunta ako ng hospital ay palagi kong naaabutang nasa tabi ni Ate si Alec, he was holding her, never want to be far from her. I smiled, at least he’s taking good care of my Ate.
“Kamusta na siya?” I asked Alec casually. Napalingon siya saakin, hindi niya siguro narinig ang pagpasok ko ng kwarto. Natutulog si Ate ngayon, napansin kong nagkakaroon na rin siya ng baby bump.
“She’s not getting better.” Simple nitong sinabi, tumingin ulit sa kapatid kong natutulog at tila ba hindi na muling gustong mawala sa paningin niya ang ate ko.
Nasasanay na ako sa sakit, hindi ko na nga iniinda eh.
“The baby?” I asked.
“Siya lang ang nagiging healthy.” Sagot niya. Hindi tumingin saakin.
Naupo ako sa maliit na couch di kalayuan sa hospital bed.
Pinagmasdan kong mabuti si Alec while he’s holding my Ate’s hand and caressing her face using his other hand.
“Kanina pa siya tulog?”
“Kanina pa…”
“Can I hold her too?” I asked. Doon palang napatingin saakin si Alec, alanganin niyang binitiwan ang kamay ng kapatid ko at umatras ng bahagya.
Tumayo ako agad at nilapitan ang kapatid ko. Hinawakan ko ang namumutla niyang kamay. I missed her. I miss hanging out with her, yung mga kwentuhan namin nung masigla pa siya, at yung mga araw na wala pa kaming problema. I wish we had a lot of bonding time before, para mas marami akong naalalang memories with her.
Baka kung ganoon ay mas hindi mabigat tingnan siya ngayon. Gusto ko nanaman tuloy sisihin si Daddy. Me and ate never had a chance to bond and grow old together because of him, and I hate him more because of that.
Gusto kong sisihin si Dad sa lahat ng nangyayari ngayon. I thought, what if me and Ate never got separated with each other? Maybe all of this mess would never happen.
The next months went by but nothing new really happened. Ate’s not getting better, the baby’s healthy though. Me, Alec, and Ate’ mom don’t really talk much but it seems normal to us.
Until Alec’s father needed to go to the USA for business, at dahil alam niyang nandito kami ay palagi siyang nagagawi sa hotel kung saan ako nag-i-stay. Thinking that Me and Alec were staying there, and he always want to visit us.
Dahil doon ay ako ang napadalas sa hospital. I don’t really want to stay there with Alec, tapos dadalaw ang Daddy niya at kailangan naming umakto na parang maayos ang lahat saamin. I’m so tired of pretending, kay Mommy pa nga lang ay napapagod na ako ano pa kaya yung pati pa sa daddy niya at sa personal pa. At least kay Mommy I only need to pretend through phone calls.
Gusto naman talaga ni Alec na aminin sa Dad niya ang totoong sitwasyon namin, but Ate Aurora disagreed. Kaya ayan, siya ang namomroblema sa Daddy niya ngayon at bahala na siya mag dahilan kung magtanong man ang daddy niya tungkol saakin.
Tulad ngayong gabi, nasa hospital ako at nagbabantay kay Ate. Her Mom needs to go somewhere at sakto namang bibisita ang Daddy ni Alec sa hotel kaya ako ang magbabantay kay Ate ngayon.
I was reading a novel when Ate woke up. Napatingin ako sakanya nung bumangon siya at naupo sa kanyang kama.
“Hi.” I greeted her. She smiled at me, ako rin sakanya.
“Nagugutom ka ba?” I asked. Lumapit ako sa may kama niya.
“Nagpupuyat ka ba, Anj? Tsaka pumapayat ka ata?” Tumingin siya sa mata ko at hinawakan ang palapulsuhan ko.
“Hindi ate.” I lied. “Nagugutom ka ba?” tanong ko ulit. Umiling siya. Hinawakan niya ngayon ang magkabilang kamay ko.
“Thank you, Anj.” She said. Alam kong nagpipigil siyang umiyak. I laughed a bit, ayaw ko ring maiyak ngayon.
“Kung hindi sorry, thank you ang palagi mong sinasabi.” I tried to joke.
She sighed. Alam kong nagpipigil talaga siyang umiyak.I held her hands too, bahagyang pinisil-pisil iyon.
“Why are you doing this to yourself? You can be happy now, ate. Let yourself be happy.” Makahulugan kong sinabi. Hindi na niya napigilang maiyak, napayuko siya at umiling.
“Mahal ka ni Alec, mahal mo siya. Bakit kailangan mong tanggihan siya palagi?” dagdag ko pa. Nag-angat siya ng tingin saakin, namumungay ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.
“Pero mahal mo siya…” halos pumiyok siya nung sabihin niya iyon. I bit my lower lip, why is everything so complicated?
“At mas mahal kita. Mas mahalaga ka saakin.” Sabi ko.
“Huwag mong isipin na nasasaktan ako o masasaktan ako, it’s nothing compared to your pain. For once, choose to be happy.” I continued.
Hindi ko na mapigilang sabayan siyang umiyak.
“I don’t deserve… him. Hanggang ngayon naiisip ko pa ring inagaw ko lang siya sayo kaya nandito siya ngayon.”
“I don’t own him, hind siya kailanman naging akin.”
“Anj…” lalo siyang naiyak. Lumapit pa ako sakanya para yakapin siya.
“You deserve every good thing, Ate. Kagaya ko. We all deserves to be happy.” Bulong ko sakanya.
And I am willing to take all the pain just for her happiness that she deserves.
