"Dad knows about us." Pag-amin ko kay Alec.
Napapreno siya bigla. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
So hindi siya kinonfront ni Dad?
"Awie... Then why we can't be lovers?" Naguguluhan niyang tanong.
Umiwas ako ng tingin.
"Because Angie loves you. Sakanya ka, hindi kita aagawin." I told him.
Alam kong mahal na mahal siya ni Angie. The way she looks at Alec every time na magkakasama kaming tatlo, you'll know that she loves him.
Kung wala si Alec ay ito ang bukambibig niya. Angie was happy with Alec. Alam ko iyon, nakita ko iyon.
Maybe Dad also saw that, at hindi niya kayang isacrifice ang happiness ni Angie for me. Which is fine, dahil kahit ako ay hindi ko kayang isacrifice na saktan siya para sumaya ako.
"Kaya mo bang saktan si Angie, knowing na mahal ka niya?" I asked him.
"Mas masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy namin kahit ikaw naman talaga ang mahal ko."
"Pero hindi na ako magtatagal."
He sighed heavily.
"I don't care, I'll love you for the rest of my life." Halos pumiyok ito.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka bumigay ako at piliin nalang na saktan ang kapatid ko kung tititigan ko pa siya kaya nag iwas ako ng tingin.
His eyes were begging. Paano ko nagagawang tangihan iyon? Hindi ko alam, maybe because I want him to love again... After me.
Maling ikulong siya saakin.
"Alec drive, nagcacause ka ng traffic." Sinabi ko sakanya nang hindi siya tinitingnan.
He sighed aggressively again before he started driving again.
Natigilan ako sa paglalakad papunta sa hotel room ko when I saw Angie in front of my door. Mukhang hinihintay akong dumating.
Napabaling siya sa gawi ko kaya nakita niya ako. Malaking ngiti ang ginawad niya saakin tapos ay kumaway pa ito.
Doon palang ako nagsimulang maglakad ulit.
"Dead batt phone ko that's why hindi ako nakatawag." Masigla niyang sinabi pagkatapos akong halikan sa pisngi.
"W-why are you here? Gabi na." Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Mabuti nalang ay napilit ko si Alec na huwag na akong ihatid sa mismong suite ko.
"Hindi tayo natuloy kahapon, wala naman akong gagawin for thesis kaya naisip kong magdinner with you!" Excited niyang sinabi. Alanganin akong tumango. I opened the door and we went inside.
"You know what? Minsan lang kumain ng meat si Alec, he likes animals kasi kaya dinideprived niya ang sarili niyang kumain ng pork, chicken, or beef!" Kaswal na nagkukwento si Angie.
Napangiti ako sa sinabi niya. Alec was really a softie.
Me and Angie's eating samgyupsal at home, may dala siyang mga meats at mabuti nalang na may griller dito.
"You really love him." I said. Paano ay puros tungkol nalang kay Alec ang kinikwento niya.
She blushed tapos ngiting-ngiti.
"Ate, I never liked someone aside from him. Siya lang talaga." She told me. She's so sincere.
Nasasaktan ako. Kasi alam kong mas deserve niyang mahalin si Alec.