“We should tell Angie what’s going on between us.” Sabi ko kay Awie.Umirap ito sa kawalan habang hawak ang kanyang phone at may kung anong ginagawa doon.
We’re now in my car and we’re going now to her suite. Pagkatapos ng mainit na pagsasalo namin sa dressing room ay agad itong lumabas doon tapos ay kinuha ang basket niya at binayaran ang mga damit na napili niya na nakalagay doon.
Sinusundan ko lang siya kanina hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko, ilang minuto ring walang nagsasalita saamin bago ko sinubukang sabihin sakanya ang nasa isip ko.
“There’s nothing to tell her, Alec…” simple niyang sinabi, ni hindi ako binalingan.
Gusto ko nang mapikon sakanya pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Imposibleng wala lang sakanya ang lahat, kasi kung wala lang then why we keep on doing it?
“Come on, Awie. I know you want me too.”
“Last na ‘yon. Hindi na tayo magkikita ng ganito ulit. Iwasan mo na ako Alec, can’t you see? Hindi kita gusto. Ang gusto ko lang ay… sex!” tsaka palang ito napatingin saakin.
“Sex my ass! Then bakit sakin lang?-”
“Sayo lang?” natawa ito.
Hindi ko nagustuhan ang pagsapaw niya sa sinasabi ko at ang sinabi niya.
“You’re thinking na sayo lang ako nakikipagsex?” nakakainsulto nitong sinabi.
Nag-iwas ako ng tingin at napakappit ng mahigpit sa manibela.
She chuckled again.
“Come on Alec! Don’t tell me saakin ka lang nakikipagsex?” dagdag pa nito.
Hindi ako kumibo. So what? I don’t want anyone else!
“So sakin lang talaga?!” natatawa nanaman si Awie. Hindi ko siya tinitingnan, napipikon na talaga ako.
“Alec… Alec… Alec…” sambit niya nung makabawi na sa kakatawa.
“Why don’t you try it to someone else? To Angie perhaps? Para makamove on ka na sakin.” Napatingin ako sakanya, hindi ako makapaniwalang sinasabi niya saakin iyon.
“Sure.” I said coldly. Galit ang mga mata kong nakatingin sakanya.
Mukha itong natigilan pero nakabawi rin agad, tumango-tango ito.
“Sure… you can do that.” ulit niya, parang kinukumbinsi ang sarili.
Umiwas na siya ng tingin saakin kaya binalik ko nalang din ang tingin sa kalsada.
Napipikon akong isipin yung sinabi niya. She’s doing it to someone else!
Bakit ko naman kasi inasahang ako lang? Ilang taon na simula nung una naming ginawa iyon, halos isang taon na rin simula nung pangalawang beses. Talaga bang iniisip ko na sa mga panahong hindi kami magkasama ay kagaya ko siya na nabaliw nalang sa kakaisip sa nangyari saamin. Ako lang ata talaga ang timaan saaming dalawa!
Maybe she’s right, I was so damn innocent.
Bakit ko ba kinukulong ang sarili ko sa kakaisip sakanya? If she can, I should be exploring too!
Tama naman siya eh, maybe if I focused on Angie again then baka nga mas magustuhan ko pa ito. Sa totoo lang sakanya naman talaga ako dapat nakafocused, ‘diba?